Isa sa programang ipinagkakaloob sa mga mamamayan, ng pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala, ay ang libreng pag-aaral ng...
Magmula sa maayos na pasilidad hanggang sa zero tuition fee, ay libreng nahahasa ang kaalaman ng mga kabataan sa iba’t ibang kursong mayroon ang Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena.
Kung kaya’t labis ang pasasalamat ng mga ito sa pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral.
Isa si Angela Teves, 4th year BS Information Technology student, sa mga mag-aaral na nabigyan ng pagkakataong makapag-kolehiyo sa nasabing paaralan.
Ayon sa kanya, malaking kaluwagan ang benepisyong kanyang nakakamit hindi lang para sa kanya kundi maging sa kaniyang pamilya.
Gayundin ang ibinahagi ni Ronalyn Dalida, 3rd year BS Social Work student.
Ayon sa kanya bukod sa nakakapag-aral ang mga estudyante ng walang kahit anung kagastusan, sa pamamagitan din aniya nito ay natutunan nila ang esensya ng pagsasama-sama at pagtutulungan kaisa sa mga core values ng DLL na unity and actions.
Halimbawa na lang aniya dito ay sa tuwing mayroong aktibidad sa DLL na kinakailangan ang partisipasyon ng mga mag-aaral, imbes aniya na maglaban-laban ang bawat departamento ay minamabuti na lamang ng bawat isa na ipakita ang kani-kanilang mga talento para sa ikakasaya ng lahat.
Kapwa naman nagpasalamat ang dalawa kay Mayor Dondon Alcala para sa pagtitiwalang ipinagkakaloob ng alkalde sa mga kabataan.
At sa patuloy pang suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang panlungsod.
Sa huli ay inaasahan ang patuloy pang pagsusulong at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan para sa mas ikauunlad ng lahat ng mga mamamayan ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/M.A.Minor)