Bilang paggunita sa national childre’s month ngayong nobyembre, sinuportahan ng mga myembro ng sangguniang panlungsod ang pribilehiyong pana...
Giit ni brizuela, higit na kinakailangan ng mga kabataan ng proteksyon lalo na at ika-apat ang pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng prostituted children.
Kaugnay nito ay muling ipinaalaala ni brizuela sa kapulungan ang patuloy na paglaganap ng mga kaso sa lungsod na may kinalaman sa child trafficking,child exploitation, at iba pang klase ng pang-aabuso.
Ibinahagi rin ni brizuela sa kapulungan ang nasasaad sa r.A. 10661 O mas kilala bilang national children’s month act kung saan nakapaloob ang mga taonang programa at mga aktibidad na dapat na pangunahan ng department of social welfare and development o dswd , national youth commission o nyc , at ng scouncil for the welfre of children o cwc para sa kapakanan ng mga kabataan.
Gayundin ang tungkulin ng department of education o deped at commission on higher education o ched na magfacilitate ng mga aktibidades bilang paggunita sa national children’s month ngayong buwan.
Pati na rin ang kooperasyon ng iba’t-ibang sangay ng lipunan gaya ng mga local government units, private organizations at non governemnt units sa usaping ito.
Bilang pagsuporta sa prebilehiyong talumpati ay nagbigay ng mga karagdang suhestyon ang chairman ng committee on social welfare na si konsehal sunshine abcede-llaga.
Anito, nararapat na sa kada taon ay magkaroon ng ulat ang pamahalang panlungsod hinggil sa kalagayan ng mga kabataan sa lugar. Bago rin matapos ang buwan, sa tulong ni sangguniang kabataan federation president patrick nadera ay mai-update ang children’s code ng lungsod, at makapag presinta ng annual investment plan at annual development plan for children.
Ikinatutuwa rin ni konsehal nick pedro ang pagbibigay pansin ni brizuela sa nasabing usapin. Tila kulang daw kasi ang kasalukuyang palatuntunan kung ang pag-uusapan ay ang pagpapalaki nang mabuti sa mga anak.
Nagka-isa ang sangguniang panlungsod na kinakailangan pang higit na paigtingin ang mga kasalukuyang programa ng lokal na pamahalaan upang lalo pang mapabuti ang kalagayan ng mga kabataan sa lungsod. (Pio lucena/c.Zapanta)