Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ILANG MGA PERSONALIDAD NA MAY KAUGNAY SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG LUCENA, INIMBITAHAN SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Naimbitahan kamakailan ng sangguniang panlungsod sa isinagawang information hour dito ang pangulo ng Lucena Council of Cultural and the Arts...

Naimbitahan kamakailan ng sangguniang panlungsod sa isinagawang information hour dito ang pangulo ng Lucena Council of Cultural and the Arts na si Luzviminda Calzado, Presidente ng Konseho ng Herencia ng Lucena Vladimir Nieto, Arween Flores City Tourism Officer at Miled Ibias City Librarian.

Ang naturang imbitasyon sa mga ito upang sagutin ang mga tanong para sa paglilinaw sa petsa ng araw ng lucena.

Bagamat wala ang mismong nagpatawag sa mga bisita na si Konsehal Atty. Rey Oliver Alijandrino sa mga panauhin sapagkat mayroon itong karamdaman ay sinuspende muna ng mga ito ang internal rule ay sinuportahan naman ng lahat ng konsehal.

Sa pagpapatuloy ng sesyon ay pinangunahan naman ni Assistant Majority Floor Leader konsehal Danilo Zaballero ang pagtawag sa mga panauhin upang umupo sa harapan kasama si Sec. Leonard Pensader.

Isa isa naman nagpakilala ang mga panauhin ito sa mga miyembro ng konseho.

Sa ginanap na interpelation ay unang ng nagtanong si konsehal Zaballero at sinabi nito sa mga inimbitahan na kahit sino ay puwedeng sumagot hinggil sa araw ng lucena dahil conflict sapagkat hindi malaman ngayon kung ano ang petsa nito.

Nakagisnan aniya na matagal na ginaganap ang naturang aktibidad ay tuwing buwan ng Agosto petsa 20.

Sa mga lumabas na kasagutan ng mga panauhin ay hinggil sa date ng araw ng lucena.

November 3, 1879 na petsa kung kailan naging ganap na isang town ang lucena.

November 5, 1879 na isa ring petsa ng naging bayan ang lucena. Pero June 16, 1961 naman ang petsa ng pag-apruba ng batas (RA 3271) na lumikha sa lucena bilang isang lungsod.

Samantalang dahilan nga sa maraming mga inipresinta ang mga ito ay dito naman tumayo si Konsehal Nick Pedro at inimungkahi nito na bumuo ng isang committe na magsasaliksik sa tunay na petsa ng ating foundation day na pinangalawahan naman ni Konsehal Sunshine Abcede Llaga.

Sa huli ay sinang-ayunan ng buong miyembro ng konseho ang mungkahing ito nina Pedro at Llaga. (PIO-Lucena/J.Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.