Pinangunahan ni Quezon Governor David C. Suarez ang isinagawang 3 rd Provincial Development Council Full Council Meeting na isinagaw...
Pinangunahan ni Quezon Governor David C. Suarez ang isinagawang 3rd Provincial Development Council Full Council Meeting na isinagawa sa Queen Margarette Hotel, Lucena City nitong ika-5 ng Nobyembre.
Sa pamamagitan ni Provincial Planning Officer at PDC Secretary Odesa Perez, sinimulan ang pagpupulong kasama ang mga punong bayan ng lalawigan at ilan pang ahensya ng lokal na pamahalaan.
Tinalakay dito ang supplementary annual investment plan at programa ng pamahalaang panlalawigan na nakapaloob sa general fund ng probinsya. Nahahati ito sa tatlong sektor na kinabibilangan ng general public services, social services at economic services.
Nagbigay-ulat rin si Gob. Suarez ukol sa ilan sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan na may kinalaman sa pagpapa-unlad ng imprastraktura sa Quezon.
Ilan sa mga ito ay ang nalalapit ng inauguration ng Southern Quezon Convention Center na gaganapin sa ika-8 ng Nobyembre sa bayan ng Gumaca. Naniniwala si Gob. Suarez na isa ang nasabing convention center sa magsisilbing daan ng kaunlaran pagdating sa ekonomiya ng lalawigan para sa ikatlo at ika-apat na distrito.
Maliban dito, isa rin sa mga sinimulan nang proyekto ng pamahalaang panlalawigan kaugnay ng imprasraktura ay ang Tiaong Arena na inaasahan namang makapagbibigay ng malaking ambag sa turismo ng lalawigan lalo’t-higit sa bahagi ng ikalawang distrito.
"Ang kagandahan nito, we were able to diversify the opportunities for economic activity for Quezon Province kasunod nito ay hotels and restaurants that will require employment, food and water. The proper use and productivity of our agriculture will hopefully supply the economic activity." pahayag ng gobernador.
Inilahad rin sa pagpupulong ang pag-endorso sa konseho ng Provincial Governance Reforms Roadmaps at ang panukalang konstruksyon ng Catanauan Diversion Road. (Quezon - PIO)