Itinuturong dahilan ng mga maninindahan ng isda sa public market ng lungsod ang kakulangan ng supply ng isda sa bahagyang pagtaas ng presyo ...
Ayon kay meriam bautista, sa ilang dekada na niyang pagtitinda ng isda, kabisado na niya ang galawan sa presyo nito. Dahil umano sa nagdaang bagyo at madalas na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw,hindi na ikinagulat ni bautista ang muling pagtaas ng puhunan ng isda.
Kulang daw kasi ang supply na nakukuha nila sa kanilang supplier. Sa katunayan, nalulugi raw silang mag maninindahan dahil sa matumal ang bentahan.
Hindi naman daw kasi imported ang kanilang itinitindang isda, mahirap hulihin sa dagat. Depende daw dahil mahirap kunin sa dagat,
Kadalasan pa nga, imbis na p140, ibinibigay na lamang nila ang kanilang paninda sa halagang p120 para lamang makabenta.
Tulad ni bautista, inirereklamo rin ng tinderong si bayani peralta ang maunting supply ng sariwang isda sa pamilihan.
Giit nito, isa raw sa dahilan ng pag-unti ng makukuhanan ay ang pagbabawal sa mga buli-buli na pumalaot at manghuli ng isda.
Bukod pa rito, marami na raw kalabang malalaking barko ang mga maliliit na mangingisda na nagreresulta ng pag-unti ng supply.
Dagdag pa nito, madalas na hanap ng mga mamimili ay sariwang isda,kaya naman silang mga maninindahan, napipilitang kumuha sa mas mataas na presyo may maitinda lamang. (Pio lucena/c.Zapanta)