LUCENA CITY, Quezon - “Nakatakdang tumanggap ng karagdagang cash benefit ang mga day care workers ng lalawigan ng Quezon sa susunod na tao...
Ito ang isa sa mga inihayag ni gobernador David Suarez sa idinaos na ‘provincial children’s month celebration’ sa Quezon Convention Center, sa lungsod na ito noong Nobyembre 22, 2018 na dinaluhan ng mga day care children, day care workers at mga municipal social welfare and development officer mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay, Nancy Ilagan ng Provincial Social Welfare and Development Office , sa kasalukuyan ang isang day care worker ay tumatanggap ng P8,000.00 na cash benefit na natatanggap ng mga day care workers kapag buwan ng Hunyo kasabay sa pagdaraos ng day care workers convention at ito ay madadagdagan pa sa susunod na taon.
Ang pagbibigay ng karagdagang cash benefit sa may 1,4000 day care workers sa lalawigan ng Quezon ay bilang pagpapahalaga sa mga mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito sa mga bata.
Ang tema ng pagdiriwang ng ‘children’s month ngayong taong ito ay “Isulong, Tamang Pag-aaruga sa Bata’ kung saan ay nakatuon ang tema sa pagiging responsable ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nilalayon din ng tema na mapalakas pa ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kabataan.
Tampok naman sa pagdiriwang ng children’s month ang iba’t-ibang paligsahan kagaya ng ‘folk dance competition, sabayang pagbigkas at iba pa na nilahukan ng mga bata mula sa apat na distrito ng lalawigan ng Quezon. (Ruel Orinday/ PIA-Quezon)