Ginagawa na ng kompanyang converge telecom ang lahat upang agad na matapos ang pagkakabit ng 10, 000 ports ng fiber optic cables sa lungsod...
Magpasahanggang ngayon ay kapansin-pansin ang ginagawang paghuhukay ng converge telecom sa mga kalsada sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod upang magkabit ng fiber optic cables. Hindi kasi gaya ng ibang telecommunication companies na nagbibigay rin ng internet services, walang tower at fully fixed wires lamang ang kanilang linya.
Lumabas umano sa kanilang naging pag-aaral na hindi tumutugma ang serbisyong natatanggap ng mga consumer sa mga advertisement ng mga internet providers na 5 hanggang 10 mega beats per second o mbps.
Dagdag pa nito, naglaan muna sila ng 10,000 ports sa lungsod na maari pa naman umanong madagdagan depende sa magiging demand nito sa hinaharap. Sa kasalukuyan daw kasi, umaasa sila na 1 sa kada 2 tahanan sa lungsod ay ay kukuha ng fiber optic sa kanilang kompanya.
Bukod umano sa mas mabilis na internet service, competetive rin kanilang presyo kung ikukumpara sa mga kalabang kompanya. Tiniyak rin nito na maging mga liblib na barangay at lugar sa lucena ay abot ng kanilang serbisyo.
Sa ngayon ay pinagsusumikapan na umano ng kanilang kompanya na matapos hanggang marso sa susunod na taon ang nasabing proyekto upang makapag bigay na ng serbisyo sa mga lucenahin. (Pio lucena/c.Zapanta)