Preperasyon, pag-aaral at panalangin, ito ang tatlong ‘p’ na dapat umanong baunin ng mga law hopefuls mula sa enverga law school sa pagkuha...
Sa halos 9000 law hopefuls na kumuha ng unang bahagi ng apat na linggong bar examination kamakailan, 26 na law graduates mula sa enverga law school ang umaasaang mapapasama ang mga pangalan sa mga bagong magiging tagapagtanggol ng hustisya. At bilang dekano ng enverga law school, kumpyansa si alejandrino na muling madaragdagan ang listahan ng mga lisensyadong abogado mula sanasabing pamantasan.
Aniya, nanganib umanong maipasara ang nasbaing law school apat na taon na ang nakalilipas dahil sa zero passing rate nito sa dalawang magkasunod na taon. Kaya naman nang maupo siya bilang dekano noong taong 2014, pinasimulan ni alejandrino ang ilang mga pagbabago upang masolusyonan ito.
Bukod umano sa pagbibigay ng entrance exam sa mga nagnanais na mag-aral ng law, sinikap rin niyang interview-hin ang lahat ng mga pumapasok sa bawat semestre mula 1st year hanggang 4th year upang malaman kung saan bumagsak at ilang kurso ang ipinasa ng bawat estudyante.
Kumuha rin siya ng masisipag at magagaling na propesor. Binago rin ni alejandrino ang nakagawiang sistema kung saan sa unang taon pa lamang ay sinasala na nilang mabuti ang mga estudyante. Pinayuhan rin niya ang mga propesor hinggil sa mas mabisang paraan ng pagtuturo.
Bago rin sumabak ang mga law graduates sa bar examination, sumasailalim muna ang mga ito sa bar operation kung saan sa loob ng 4 na sabado, sa tulong ng magagaling na mga lecturers ay sabay-sabay na tatalakayin ng mga examinees ang mga katanungan na posibleng lumabas sa bar examination.
Naniniwala ang konsehal na nagbubunga ang mga pagbabagong kanyang pinasimulan dahil sa 4 na taon niya bilang dekano, nakapag produce na ang enverga law school ng 12 abogado.
Gaganapin ang bar examinations sa 4 na magkakasunod na linggo ngayon buwan ng nobyembre kung saan tatalakayin ang mga paksa mula sa political law, labor law, civil law and taxation, mercantille law and criminal law, remedial law and legal ethics at practical exercises.(Pio lucena/c.Zapanta)