Hinikayat ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga ang lahat ng bumubuo ng sangguniang panlungsod na suportahan ng mga ito ang mga plano at program...
Ito ay sa pamamagitan aniya ng pagtulong sa Cooperative Development Council at Cooperative Division Office.
Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ang lungsod na mahigit sa apatnapung kooperatiba na mayroong umaabot sa tatlumpong libong mga miyembro na siyang nakikinabang at makikinabang pa sa mga programa ng bawat samahan.
Kasabay din ng paghikayat ni Llaga ay nagbigay suporta rin ito sa inilahad na pribilehiyong pananalita ni Konsehal Nick Pedro hinggil sa pagbibigay pagkilala sa ilang mga tanggapan ng pamahalaang panlungsod na malaki ang naging kaambagan sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Dagdag pa nito, ilan sa mga programa ng mga naturang tanggapan ay nagiging katuwang ang mga kooperatiba partikular na ang Koopnaman Multipurpose Cooperative.
Sa tulong aniya ng mga ito, ay nagkaroon ng isang kooperatiba na kumukupkop sa mga eco-aides sa lungsod.
Gayundin ay napagkakalooban ang ilang mga Lucenahin ng oportunidad na makapaghanapbuhay o makapagtrabaho.(PIO-Lucena/M.A.Minor)