Hindi matatawag na maunlad ang isang bayan kung may isang sektor na napag-iiwanan, ito ang binigyang diin ng chairman ng committee on soci...
Hindi matatawag na maunlad ang isang bayan kung may isang
sektor na napag-iiwanan, ito ang binigyang diin ng chairman ng committee on
social welfare na si konsehal sunshine abcede-llaga kasabay ng panghihikayat sa
mga myembro ng natatanging sektor na makiisa at maging aktibo sa mga
nakalatag na programa ng lokal na
pamahalaan para sa kanila.
Ayon kay llaga, tuloy-tuloy ang pagsusulong ng pamahalaang
panlungsod sa mga benepisyong dapat matanggap ng mga myembro ng sektor ng may kapansanan. Naniniwala raw kasi
ang konsehala na isa ang pangangailangan ng nasabing sektor sa mga nararapat na pagtuunan ng pansin ng
pamahalaan.
Kaugnay nito ay
hinihikayat ni llaga ang nasabing sektor na magsama-sama upang magkaroon
ng boses hinggil sa kanilang mga pangangailangan.
Sa pamamagitan umano ng aktibong pakikiisa sa mga asosyayon
sa kani-kanilang mga barangay, nakasisiguro si llaga na darating ang araw na
gaya ng mga nakatatandang sektor ng lipunan, magiging malakas rin ang boses at pwersa ng natatanging sektor.
Ikinatutuwa rin ng konsehala ang paglobo ng bilang ng mga rehistradong pwds sa
lungsod. Nangangahulugan lamang umano ito na parami na nang parami ang mga
lucenahing may kapansanan na nakababatid sa mga benepisyong patuloy na
pinagbubuti ng lokal na pamahalaan.
Bukod kasi sa mga partikular na
programa para sa mga ito,
nakakakuha rin ang mga pwds ng
kaparehong benepisyo na natatanggap ng mga senior citizens sa lungsod.
Kaugnay nito ay hinimok ni llaga ang mga myembro na patuloy na hikayatin at ipakalat sa kanilang mga kasamahan ang malaking
kapakinabangan ng mga benepisyong kanilang tinatamo.
Umaasa si llaga na kasabay ng tuloy-tuloy na pag-angat ng lungsod ay ang tuloy-tuloy ring pag-angat ng katayuan ng mga
myembro ng natatanging sektor sa lipunang kanilang ginagalawan. (pio
lucena/c.zapanta)