Maayos at matahimik ang lungsod ng lucena sapagkat sapol naman kung maikukumpara sa ibang siudad o bayan ay sadyang mathimik ang Lucena. I...
Ito ang naging pahayag ni Konsehal Vic Paulo sa esklusibong panayam ng TV12 kamakailan.
Ayon kay Paulo, mababait naman aniya ang mga mamamayang lucenahin.
Sinabi naman nito sa kampanya ni Pangulong Duterte na may kaugnayan sa ilegal drugs at noong mga nakaraang panahon sa pagpapalit palit ng hepe ng Lucena PNP.
Sa ngayon ay minimal na ang naitatalang nahuhuling. may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon pa sa Chairman ng Peace and Order sa lungsod, sa pagpapalit ng hepe ng kapulisan sa lungsod sa ngayon aniya ay wala pang accomplishment report na ibinibigay o text na natatanggap siya maging ang Sangguniang panlungsod mula sa bagong OIC ng Lucena PNP.
Dagdag pa ni Konsehal Paulo, hindi aniya tulad ng mga naunang namumuno ng kapulisan dito sa lucena.
Na sa pagkakaupo pa lamang sa loob ng isa o dalawang linggo ay mayroon mga inirereport sa kaniya na mga accomplishment ang mga ito.
Samantalang idinagdag pa ni Paulo, naniniwala umano siya na sa ngayon ay ang mga tao na gumagamit ng ilegal na droga sa lungsod ay minimal na.
Dahilan sa noon mga naging hepe ng Lucena PNP ay hindi tumigil ang mga ito sa pagtupad sa kanilang tungkulin tulad na lamang sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot. (PIO-Lucena/J.Maceda)