Pinag-iigat ni Konsehal Vic Paulo chairman ng Peace and Order ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena ang mga mamamayang lucenahin ngayon buwan ...
Dahilan sa ang buwan na nabanggit ay dito maglilipana na naman ang mga kawatan sa lungsod.
Ito ang naging pahayag ni Councilor Vic Paulo sa esklusibong panayam ng TV12 kamakailan.
Ayon sa konsehal, kung sakaling aalis ng kanilang tahanan at wala rin lamang maiiwan tao ay siguraduhin aniya na ang lahat ng mga pintuan at bintana nila ay nakalock.
Sa pagkat ang mga kawatan tulad ng akyat bahay at mga salisi gang yong mga bahay na walang tao ang kalimitan nilang binibiktima at ninanakawan.
Samanatalang Sinabi pa ni Paulo, na kung lalabas naman ng kanilang tahanan at pupunta lamang ng palengke para mamili ng kanilang mailuluto.
Huwag aniyang mag-suot ng anumang alahas tulad ng kuwentas, relo at iba pa, dahilan sa mainit sa mga mata ng snatcher ang mga nakasuot na alahas.
Sa huli ay binanggit muli ni Konsehal Vic Paulo, sa mga mamamayan lucenahin para hindi mabiktima ng kahit anuman krimen ay ibayong pag-iingat ang gawing sa tuwing aalis ng kanilang bahay. (PIO-Lucena/J.Maceda)