Tiniyak ng chairman ng committee on social welfare na si konsehal sunshine abcede-llaga sa mahigit 4000 myembro ng sektor ng may mga kapansa...
Sa isinagawang birthday cash gift giving para sa mga persons with disabillities kamakailan, sinamantala ni konsehal sunshine abcede-llaga ang pagakakataon upang ipabatid sa mga myembro at pamilya ng mga ito ang mga programa at benepisyong patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan para sa kanilang kabutihan.
Ayon kay llaga, nais niyang magkaroon ng asosasyon sa bawat barangay ang mga pwds nang sa gayon ay mas madali ng maga itong maidulog sa kinauukulan ang ano mang problema at pangangailangan.
Dagdag pa nito, stroke patients ang may pinakamalaking bilang ng kapansanan sa lungsod kaya naman nais rin ng lokal na pamahalaan na ilapit sa mga nasabing pasyente ang pagamutan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng barangay theraphy center sa lungsod.
Sa ganitong paraan umano ay hindi na kakailanagnin pa ng mga stroke patients na dumayo at pumunta sa malalayong lugar at gumastos nang malaki makapagpagamot lamang.
Batid rin ng konsehala na bukod sa ayudang pampinansyal ng lokal na pamahalaan, higit na kailangan ng mga pwds lalo’t higit ng mga pamilya nito ang sustenableng mapagkukunan ng panggastos sa raw-araw kaya naman patuloy umano nilang isinusulong ang livelihood programs para sa mga ito.
Kabilang na rin aniya sa ordinasang ipinasa ng sangguniang panlungsod na may titulong ‘pwd ordinance’ na siyang naghahanay sa lahat ng mga karapatan ng may mga kapansan ang pagkakaroon ng philhealth coverage para sa mga ito.
Nagpasalamat rin ang konsehala kay mayor dondon alcala sa naging tulong nito upang maisailalim sa isang pagsusuri ang 3 kabataan sa lungsod na may hindi pa natutukoy na sakit.
Para kat llaga, ang lumolobong bilang ng mga rehistradong pwds sa lungsod na nasimula lamang dati sa mahigit 2000 ay nangangahulugan na marami na sa mga lucenahin ang nakababatid at nakakaramdam ng mga benepisyong alok ng lokal na pamahalaan.(pio lucena/c.zapanta)