Pinarangalan ng Librarians Association of Quezon Province-Lucena, Inc., si Lyvia Villapando, isa sa mga librarians ng panlungsod na aklatan ...
Sa naging panayam ng TV12 kay Villapando kamakailan, inilahad nito ang kanyang mga naging karanasan bago makamit ang naturang parangal.
Aniya, hindi niya inaasahan na siya ang mapipili dahilan sa alam niyang marami ang nanomina na tulad nya ay karapat dapat rin sa parangal.
Kabilang kasi sa kanyang mga nakalaban sa naturang parangal ay mga librarians sa lalawigan na mula sa iba’t ibang institusyon tulad ng provincial library, private schools at DepEd.
Kasabay ng paggagawad sa kaniya ay napili rin si Villapando bilang secretary ng nasabing asosasyon para sa susunod na taon hanggang taong 2021.
Sa kasalukuyan, siya rin ang tumatayong Consultant Librarian ng Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena.
Kaugnay nito, makakaasa aniya ang mga mag-aaral ng DLL na patuloy siyang tutulong hanggat wala pang librarian ang paaralan.
Makakaasa rin aniya ang mga mamamayang Lucenahin na patuloy pa rin ang pagsasagawa ng City Library sa pamumuno ng hepe nito na si Miled Ibias ng mga programa at proyekto, kaisa ng mithiin ng tanggapan na mas mailapit pa sa pamayanan ang kanilang mga serbisyong ipinagkakaloob. (PIO-Lucena/M.A.Minor)