Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 1,600 mga nakatatandang Lucenahin, napagkalooban ng birthday cash gift ni Mayor Dondon Alcala

Aabot sa tinatayang mahigit na 1,600 mga nakatatandang Lucenahin ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula kay Mayor Roderick “Dondo...

Aabot sa tinatayang mahigit na 1,600 mga nakatatandang Lucenahin ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ginanap ang nasabing pamamahaging ito sa Reception and Action Center sa Zaballero Subd sa bahagi ng Brgy. Gulang-Gulang na kung saan ay nagmula pa sa iba’t-ibang barangay ang mga tumanggap nito.

Nakasama naman ng alkalde sa naturang aktibidad sina Councilor Atty. Sunshine Abcede-Llaga at Vic Paulo gayundin ang mga aspiring councilors na sina Americo “Amer” Lacerna, Danny Faller, Wilbert McKinlley noche at Engr. Jose Christian Ona.

Saisinagawang programa dito, nagbigay ng kani-kaniyang mensahe ang mga nabanggit na opisyales na kung saan ay ipinahayon ng mga ito ang kanilang pagbati sa mga senior citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng Oktubre.

Ipinahayag rin ng mga ito ang kanilang taus pusong pagsuporta sa magandang programang ito ng alkalde para sa nakatatandang sector ng lungsod na ayon pa sa mga ito ay isang napakalaking halaga ito para sa mga lolo at lola ng Lucena dahilan sa nabibigyan na ang mga ito ng tama at kaukulang pansin.

Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang binati ang lahat ng mga lolo at lola ng Lucena sa kanilang kaarawan noong nakalipas na buwan.

Kaniya ring ipinaalala sa mga dumalo dito ang mga programa ng Office of the Senior Citizens Affaris, sa pamumuno ni OSCA Head Salome Dato, at ilan sa mga ito ay ang pamamahaging nabanggit.

Bukod pa rin dito ang libreng ballroom, libreng panonood ng sine, ang libreng bakuna laban sa pulmonya, ang libreng gupit at masahe sa tuwing tatanggap ito ng kanilang birthday cash gift, at ang Oplan Mata na kung saan ay napagkakalooban ang mga ito ng libreng check-up sa mata upang mabigyan ng salamin at sakaling makitaan ito ng anumang uri ng iba pang sakit sa mata ay libre rin itong inooperahan.

Buong pagmamalaki rin ni mayor Alcala na sa ngayon pa lamang ay kanila nang pinag-uusapan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na kung maaari ay dagdagan pa ang halaga ng ibinibigay na regaling ito ng pamahalaang panlungsod para sa nasabing sector.

At dahilan sa magandang balitang ito na inihatid ng punong lungsod, sa ngayon pa lamang ay lubos na ang naging pasasalamat ng mga lolo at lola ng Lucena sa lahat ng mga nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang naturang karagdagang ito sa kanilang regalo.

Ang pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga senior citizens ng Lucena ay isa sa mga matatagal nang pinangarap ni mayor Dondon Alcala para sa nasabing hanay at ngayon ay naisakatuparan na dahilan sa isa sa mga hinahangad ng alkalde ay ang mapagkalooban ang mga ito ng tamang pagpapahalaga at pagkilala sa lahat ng kanilang nagawa para sa lungsod.

At isa rin ang sector ng mga nakatatandang Lucenahin sa mga malalapit sa kaniyang puso dahilan sa aniya kung hindi dahilan sa pangaral ng mga lolo at lola ng Lucena sa mga kabataan ay tiyak na hindi rin makakamit ng lungsod ang kaunlarang tinatamasa ngayon nito. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.