Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MAHIGIT SA 500 MGA PAMPUBLIKONG GURO SA LUNGSOD, NAPAGKALOOBAN NG BIRTHDAY CASH GIFT NG PAMAHALAAN PANLUNGSOD

Kamakailan ay napagkalooban ng birthday Cash Gift ng pamahalaan panlungsod ang nasa mahigit sa limangdaan mga pampublikong guro sa lungsod n...

Kamakailan ay napagkalooban ng birthday Cash Gift ng pamahalaan panlungsod ang nasa mahigit sa limangdaan mga pampublikong guro sa lungsod ng lucena.

Kung saan ay nadiwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng Agosto, Septyembre at oktobre

Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa 4floor ng Lucena City Government Complex Hall.

Dinaluhan naman ito ni Mayor Roderick "Dondon" Alcala kasama ang kaniyang anak na panganay na si Mark Alcala.

Ganoon din present rin dito sina Konsehal Vic Paulo, Konsehal William Noche ang anak nito na si Engr. Wilbert Mckinly Noche, Benny Brizuela, anak nito na si Benny "Baste" Brizuela Jr. Konsehal Sunshine Abcede Llaga, sina Dating Konsehal Amer Lacerna at Danny Faller, Engr. Jose Christian Una maging si City DILG Engr. Danilo Nobleza.

Sa maikling programa ay isa-isa naman bumati ang mga ito sa lahat ng mga guro na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa tatlong buwan na nakalipas.

Sa pag dating naman ni Mayor Dondon Alcala sa bulwagan ay inawitan siya ng mga teacher na naroon at maging ang lahat ng konsehal ng birthday song.

At kita naman sa mukha ng punong lungsod ang kasiyahan nito pagkatapos na hipan nito ang kandila ng cake ay binigyan naman ito ng regalo na jocket at isinuot na ito ng Alkalde.

Samantalang sa naging pananalita naman ni Mayor Alcala, nagpasalamat ito sa lahat ng mga teacher na naroon sa pangunguna ng pangulo nito na si Wendell Perez.

Dahilan sa nagulat siya sa ipinagkaloob sa kaniya na regalo at natuwa ito dahilan sa mayroon maikling programa at nakapagpresenta ang ibat ibang district.

Isa lamang ang pagkakaloob ng birthday cash gift na programa ng administrasyon ng bagong lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala.

Na ang tanging hanggad ay mabigayan ng kasiyahan ang mga ito sa kanilang kaarawan. (PIO-Lucena/J.Maceda)



Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.