Sa harapan nina city councilors anacleto alcala iii, sunshine abcede-llaga, at vic paulo, gayundin ng mga aspiring city councilors na sina a...
Kasabay ng pagbibigay ng birthday cash gift para sa mahigit 200 myembro ng sektor ng may mga kapansan sa lungsod, nagpahayag ng pasasalamat si mayor dondon alcala sa lahat ng myembro ng sangguniang panlungsod sa pangunguna ni vice mayor philip castillo dahil sa walang sawang pagsuporta at pakikiisa ng mga ito sa lahat ng mga hakbanging kaniyang pinasisimulan mapabuti at mapaunlad lamang ang kalagayan ng lahat ng sektor sa lungsod ng lucena.
Ibinahagi ni mayor dondon alcala na nang maupo siya bilang alkalde ng lungsod noong taong 2013, nasa 615 million pesos lamang ang budget ng lungsod. Ngunit makalipas lamang umano ang 5 taon ay naging 1.2 billion pesos na ito.
Dahil umano sa pag-aapruba ng sangguniang panlungsod sa budget ng lokal na pamahalaan, maraming napatutupad at napasisimulang mga proyekto at programa ang lokal na pamahalaan gaya ng napakagandang mga benepisyo at programa para sa mga senior citizens at pwds ng lungsod.
Tiniyak ng alkalde na taon-taon nang makatatanggap ng birthday cash gift ang mga myembro ng sektor ng may mga kapansa. (pio lucena/c.zapanta)