Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MAYOR DONDON ALCALA, NAGPASALAMAT SA LAHAT NG MIYEMBRO NG BHA

Kamakailan ay dinaluhan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isinagawang pagpupulong ng mga miyembro ng Barangay Health Alliance na ginanap...

Kamakailan ay dinaluhan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isinagawang pagpupulong ng mga miyembro ng Barangay Health Alliance na ginanap sa Lacerna Farm and Resorts sa bahagi ng Barangay Ibabang Iyam.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad na ito ni Raquel Almuguerra na tumatayong pangulo ng BHA at ganoon din si Chona Flores BHA Coordinator.

Kasama naman ng punong lungsod sina Konsehal Vic Paulo at dating Konsehal Amer Lacerna.

Sa maikling programa ay nagbigay naman ng intermission number ang ilang mga miyembro ng bha.

At sa daloy ng progama ay nagbigay rin ng mensahe si Konsehal Vic Paulo, at sinabi nito na ang mga bha ay hinahangaan niya bagaman aniya na kaunting honoraryom lamang ang tinatanggap ng mga ito ay katuwang naman sila ng pamahalaan panlungsod sa pagseserbisyo sa atin mga kababayan sa bawat barangay sa lungsod.

Binati naman ni Amer Lacerna ang lahat ng mga miyembro ng BHA sa kanilang pagdating sa kaniyang resorts, nabanggit rin nito na ang akala niya ay pambarangay lamang ang mga ito at nagtatrabaho, pero pabiro nitong sinabi na pang-entertainment din pala.

Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, ang araw aniya na ito ay araw para huwag muna isipin ang trabaho.

Nagpasalamat din ang Alkalde, sa lahat ng mga barangay health worker sa pagbibigay ng magandang serbisyo para sa mga mamamayan lucehanin.

Ganoon din ay pinasalamatan nito sina Raquel Almuguerra, Chona Flores at OIC Dra. Jocelyn Chua ng City Health, sapagkat inihanda ng mga ito na isang buwang seminar para sa mga BHA.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, sa pagkakaroon ng seminar para sa mga ito ay alam niya na muli ay magbibigay ng magandang serbisyo sa ating mga mamamayan sa lungsod ng lucena.

Samantalang bagamat hindi sila nakabati noong kaarawan ni Mayor Dondon Alcala ay hinandugan nila ito ng Birthday Song at tuwang tuwa naman ang Alkalde sa awitn ng mga ito. (PIO-Lucena/J.Maceda)



Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.