“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat nagtiwala kayo na dito kayo nag-invest ng inyong negosyo.” Ito ang naging pahayag ni Ma...
Ito ang naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala hinggil sa kaniyang lubos na pasasalamat sa mga bagong negosyante sa lungsod na naglagak ng kanilang negosyo dito.
Sinambit ni Mayor Alcala ang pasasalamat na ito sa ginanap na pagpirma sa business permit ng mga negosyanteng nabanggit sa conference room ng Mayor’s Office.
Nakasama rin ng alkalde dito sina Business Permit and Licensing Office Head Julie Fernandez at Public Employment Services Office Head Arnold Cayno.
At bago pa man pirmahan ang mga business permit ng mga ito, nagkaroon rin ng kahilingan ang punong lungsod sa mga negosyanteng nabanggit at ito ay ang pagkakaroon ng mga empleyadong Lucenahin.
Ito aniya ay batay na rin sa ipinasang batas ng Sangguniang Panlungsod upang matulungan ang mga mamamayan dito na magkaroon ng trabaho at hindi na dumayo pa sa ibang lugar.
Sakali aniyang mapatunayan na lumabag ang mga negosyanteng ito sa nasabing patakaran, ay isa ito sa mga magiging dahilan upang ma-revoke ang kanilang business permit.
Bukod dito, isang kahilingan rin ang ipinabatid ni mayor Alcala sa mga bagong business owners na nabanggit at ito ay ang mahigpit na pagbabawal sa pagbibigay ng kahit na anung uri ng tinatawag na “in-kind” sa mga tauhan ng pamahalaang panlungsod.
Ito ay upang maiwasan ang pagkakarron ng katiwalian dito at sakali aniyang mayroon na kahit sinuman dito ang manghingi sa kanila ay huwag aniyang mag-aatubiling banggitin ito sa kaniya upang mabigayn ito ng kaukulang aksyon.
Matapos na makaagbigay ng kaniyang menshae ng pasasalamat, pormal nang nilagdaan ng punong lungsod ang kanilang business permit na siyang hudyat upang makapagumpisa na ang mga ito ng kanilang negosyo.
Ang mga karagdagang negosyanteng ito sa lungsod ay pagpapatunay lamang na patuloy at patuloy pa rin sa pag-unlad ang bagong Lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala at marami pa ring mga negosyante ang nagnanais pang maglagak ng kanilang negosyo dito dahilan na rin sa maayos na pamamahala ng alkade dito. (PIO Lucena/ R. Lim)