Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga programa laban sa iligal na droga at pagpapatibay ng kaayusan sa lalawigan, tinalakay sa ikatlong PPOC at PADAC Meeting

Bilang bahagi ng programa para sa pagpapatibay ng kaayusan at kapayapaan sa Lalawigan ng Quezon, isinagawa nitong ika-5 ng Nobyembre sa Qu...



Bilang bahagi ng programa para sa pagpapatibay ng kaayusan at kapayapaan sa Lalawigan ng Quezon, isinagawa nitong ika-5 ng Nobyembre sa Queen Margarette Hotel, Lucena City ang Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council Meeting.

Kumatawan para kay Gob. David C. Suarez bilang PPOC Chairman si Provincial Administrator Romulo Edaño Jr, kasama ang pinagsamang pwersa ng Quezon Provincial Police Office, Armed Forces of the Philippines, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang ahensya ng pamahalaan. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang ilan sa mga usaping may kinalaman sa crime and order situation, internal security at ulat ukol sa anti-drug campaign sa Lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Chief Inspector Margarito Umali ng Quezon PPO malaki na ang ibinaba ng crime incident reports na naitala sa lalawigan para sa taong 2018 kumpara noong 2017 mula buwan ng Enero hanggang Oktubre.

Ibinahagi naman ng 201st at 202nd Infantry Brigade ng Armed Forces of the Philippines ang ilan sa mga internal security operation sa probinsya na may kinalaman sa kanilang kampanya sa insurgency partikular sa New People’s Army. Dito tinalakay nila ang ilan sa mga hakbangin ng kanilang sandatahan upang patuloy na mapanatili ang kaayusan sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Samantala, nagbigay-ulat naman si PDEA Provincial Officer, Agent William Dulay ukol sa drug situation sa Lalawigan ng Quezon. Ayon sa kanilang datos, mula sa 1,242 na barangay sa lalawigan, umabot na sa higit 640 ang idineklara bilang drug cleared barangays.

Bilang panghuli, tiniyak naman ng bawat ahensya ng pamahalaan, kasundaluhan at kapulisan ang kanilang suporta para sa patuloy na pakikipagtulungan upang mas mapagtibay pa ang lebel ng seguridad at tuluyang mapuksa ang pagkakaroon ng iligal na droga at iba pang kriminalidad sa Lalawigan ng Quezon. (Quezon - PIO)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.