Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pag-obserba ng Undas 2018, naging mapayapa sa Quezon

People troop to Heaven’s Garden Cemetery in Bgy. Mayuwi, Tayabas city to share moments with their dead loved ones on the Day of the Dead c...

People troop to Heaven’s Garden Cemetery in Bgy. Mayuwi, Tayabas city to share moments with their dead loved ones on the Day of the Dead celebration worldwide. (SANDY AMARO/ BANDILYO TV)


by Nimfa L. Estrellado

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Marubdob na inalala ng mga Quezonian ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay nitong nakaraang linggo bilang bahagi ng paggunita ng All Saints’ Day o Undas.

Naging mapayapa ang pagdaos ng Undas sa taong ito sa tulong na rin ng mga kawani ng Pamahalaang Local ng iba’t ibang bayan at ng mga kawani mula sa City Social Welfare and Development Office, City Health Office, City Engineering Office, Office of the City Administrator, General Services Office, Public Information Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office at City Environment and Waste Management Office na umalalay sa mga kababayan nating nagtungo sa mga sementeryo nitong nakaraang Huwebes at Biyernes. Kasama ring gumanap ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ang mga kawani ng Quezon - PNP, Philippine National Red Cross, Barangay Government ng Lalawigan ng Quezon.

Bagaman at dinagsa ng daan daang tao ang bawat sementeryo ay kontrolado naman ito ng Quezon PNP na nagmomonitor sa lugar. Napanatili pa rin ang kaayusan sa unang bugso ng mga bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa kabila ng pagbuhos ng maraming tao sa mga sementeryo sa Lalawigan ng Quezon. Naging mapayapa sa pangkalahatan ang naging pagdiriwang ng undas sa lalawigan base sa pinakahuling ulat na inilabas ng Quezon Provincial Police Office.

Naging handa ang QPPO sa ilalim ng pamumuno ni Quezon police director Senior Supt. Osmundo de Guzman para siguruhin ang ligtas at mapayapang Undas 2018. Nagkakaroon sila ng Police Assistance Desks, Motorist Assistance Desks at Traffic Assistance Desks sa mga istratehikong lugar tulad ng sementeryo, bus terminals at point of entry at exit sa South Luzon Expressway.

Sa mga naturang desks ay nakalagay ang mga pinamimigay na mga impormasyon tungkol sa pagpaalala sa mga taong papasok sa naturang lugar.

Samantala, ang Lucena PNP sa pamamagitan ni PSupt. Reydante Ariza, hepe ng Lucena PNP ay nagpahayag na may ilan naman ang kanilang mga nakumpiska na mga patalim, armas, speaker at sigarilyo mula sa mga taong pumapasok sa Old Public Cemetery ng lunsod ng Lucena, bunga na rin ito ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng mga pulis upang maiwasan ang kaguluhan at hindi kanai-nais na pangyayari habang ginugunita ang araw ng undas.

Sa ngayon nanatiling naka-deploy pa ang mahigit 27,000 pulis para tiyakin pa rin na magiging mapayapa ang paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa o All Souls Day.

Sa ulat na ipinalabas PSupt. Reydante Ariza, hepe ng Lucena PNP, inihayag nito na walang naitalang anumang untoward incidents habang ginugunita ng mga Lucenahin ang alaala ng kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na, wala ring naiulat sa kanilang tanggapan na insidente ng akyat-bahay o salisi at kahit na snatching.

Sinabi ni ni PSupt. Ariza na ang mapayapang paggunita ng undas ay bunga ng kanilang ipinatupad na security measure hindi lamang sa mga sementeryo kundi sa buong lunsod kung saan aktibo aniyang nag-sagawa ng pagpapatrolya ang mga pulis sa mga residential area sa lunsod.

Para masiguro din ng QPPO ang kaayusan sa mga sementeryo sa mga bayan at lungsod dito sa Lalawigan ng Quezon at matiyak na maging maayos ang trapiko sa naturang mga lugar, maghapong silang nagbantay katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan, Bureau of Fire Protection (BFP), Non-Government Organizations (NGO’s) at mga Barangay Tanods.

Ang isinagawang pagpapatrolya sa mga lugar sabi ng pulis ay importante dahil sa ganitong panahon ay madalas iniiwang walang tao ang mga bahay na sinasamantala naman ng mga miyembro ng salisi at akyat-bahay gang.

Ipinangako ni Ariza na patuloy nilang gagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin upang proteksyunan ang publiko laban sa mga kawatan at iba pang masamang elemento ng lipunan.

Sa pamumuno ni Quezon police director Senior Supt. Osmundo de Guzman, siniguro nito ang police visibility sa mga pribado at pampublikong sementeryo, gayundin sa mga terminal ng bus at mga daungan upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga byahero.

Nagsagawa rin umano ng ilang magkakasunod na checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang mapigilian ang ilang mga masasamang-loob sa paggawa ng anumang masama sa kalagitnaan ng paggunita ng Undas.

Kaugnay nito, pinaigting din ng PNP – Quezon at ng Lucena PNP ang kanilang kampanya at pag-papaalala sa publiko sa pamamagitan ng social media gaya ng Twitter at Facebook upang magbahagi ng mga tips ukol sa crime prevention. Nakiusap din ang mga opisyal sa publiko na kung may mga sumbong o reklamo na agad na iparating sa local police ito para mabigyan agad ng tugon at maputol ang mga kalokohang ginagawa ng mga criminal at mga terorista sa lugar. Isinagawa rin ang parehong kampanya sa kanilang radio program upang patuloy na gabayan at paalalahanan ang mga mamamayan sa mga paghahandang gawin sa mga ganitong panahon.

Dahil dito nakatanggap naman ang PNP ng mga positibo at magagandang pagpuna mula sa publiko bunsod na rin sa pagsisikap ng ahensya makapagbigay ng mataas na uri ng serbisyo publiko.

Aniya ng isang guro ay mas tahimik daw umano ngayon ang paggunita ng Undas dahil hanggang sa mga oras na ito ay wala pang mga naipaparating na insident reports habang nasa mahigit isang libong bilang ng pulis ang inatasan at itinalagang magbantay sa Iba’t Ibang mga sementeryo.

Samantala, sa ngayon ay tuluy-tuloy naman ang panig ng kapulisan sa pagpapatupad ng OPLAN SITA at OPLAN KALULUWA 2018 dito sa rehiyon upang tiyakin ang seguridad ng mga kaanak na bumibiyahe.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.