Dalawang linggo matapos ang pagpasok ng buwan ng nobyembre, tila hindi parin ramdam ng mga lucenahin ang unti-unting pagbaba ng presyo ng mg...
Matatandaang kamakailan ay inilabas ng philippine statistics authority o psa ang pananatili ng inflation rate sa 6.7 % Para sa buwan ng oktubre na senyales umano ng unti-unting pagbaba ng presyo ng mga bilihin na inaasahang mararamdaman na ng mga consumer ngayong buwan ng nobyembre at disyembrre hanggang sa susunod na taon.
Bunsod umano ito ng paparating na anihan at delivery ng mga inangkat na bigas at iba pang produktong pagkain.
Bagay na hindi pa nararamdaman ng mamimiling si penny villareal. Ayon dito, hindi sapat ang ginagawa diskarrte at paghihigpit ng sinturon .Paano kasi, mataas parin umano ang presyo ng mga produktong madalas niyang binibili.
Aminado naman ang mga tindera ng gulay na sina aurora buela at celly jusi sa bagay na ito. Bagamat bumaba raw ng kaunti ang presyo ng gulay kumpara noong nakaraang buwan, nagrereklamo parin ang kanilang mga suki.
Kasabay daw kasi ng pagbaba ng presyo ng mga gulay gaya ng repolyo, carrots, at sayote, tumaas naman ang presyo ng patatas, kamatais , pechay bagyo . Kalamansi at lara. Giit ni jusi, pabago-bago ang presyo ng mga gulay.
Giit ng mga tindera, pabago-bago raw ang presyo ng mga dumadating na supply sa kanila. May mga pagkakataon umano na halos doble agad ng presyo ang itataas o ibaba ng mga produkto kaya naman giit ng mga ito, wala silang magawa dahil bilang mga maninindahan, sumasabay lang sila sa presyuhan.
Umaasa ang mga mamimili na sa darating na disyembre at susunod na taon ay mararamdam an na nila ang sinasabing epekto ng mga pagsisikap ng gobyerno mapababa lang ang presyo ng mga pangunahing bilihin. (Pio lucena/c.Zapanta)