Tila hindi parin sapat para sa mga lucenahing labis na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo...
Tila hindi parin sapat para sa mga lucenahing labis na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Matatandaang simula noong ika-16 ng oktubre ay nagkaroon ng 5 magkakasunod na oil price rollback bunsod ngpagbaba ng presyuhan at maraming supply ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Sa 5 magkakasunod na linggo, naglalaro sa halos p8 kada litro ang nabawas sa presyo ng gasoline na nitong martes lang ay natapyasan na namang muli ng p2.50.
Ngunit ayon sa tricycle driver na si leo jabito, residente ng barangay ibabang talim, bale-wala umano ang kakarampot na dagdag kita sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Apela pa nito, tila hindi sapat ang mga diskarte nilang mag-asawa makasabay lamang sa pagsipa ng mga presyo ng pang araw-araw nilang pagkain, madalas daw kasi bitin parin ang kanilang budget.
Bagamat inaasahan na magtutuloy-tuloy hanggang sa dulo ng taon ang mga bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni jabito ang kalbaryong kanilang sasapitin sa pagpasok ng buwan ng disyembre dahil sa posible pang paglobo ng presyo ng mga bilihin. (Pio lucena/c.Zapanta)