Mula sa halos 25 milyong pisong estimasyon ng kita ng public market para sa taong 2018, inaasahang lolobo ang kita nito sa halagang p35 mil...
Ayon sa hepe, kamakailan ay inaprubahan ng sangguniang panlungsod ang 3 milyong piso na karagdagang budget ng palengke para sa susunod na taon. Ito umano ang gagamitin nila para sa mga adisyonal na gastusin. Kakailanganin daw kasi nilang magdagdag ng mga empleyado at bumili ng mga materyales para sa gagawing pagbubukas ng likurang bahagi ng palengke sa buwan ng pebrero o marso ng susunod na taon.
Sa bahaging ito raw ilalagay ang mga bodega, kainan, bigasan, gulayan, at iba pang sari-sari stores. Habang mananatili naman sa kabilang bahagi ng palengke ang mga maninindahan ng isda, karneng baboy at manok.
Sa estimasyon umano ng hepe ng city treasurer’s office na si ruby aranilla, nasa 10 milyong piso pataaas ang maidaragdag sa kita ng palengke para sa taong 2019 na nangangahulugan ng 4 na beses na paglago nito mula sa kinikita nitong 8 milyong piso noong taong 2012 at 2013.
Sakali raw kasing mabuksan na ito, maraming bolante at iba pang mga maninindahan ang kanilang maaaccomodate. Ngunit giit ni palomar, uunahin muna nilang bigyan ng pwesto ang mga bolanteng matagal nang nagtitinda sa paligid ng palengke.
Sa patuloy na paglaki ng kita ng palengke, inaasasahan ni palomar na mas magiging self-sustaining pa ang pamilihan. Sa kinikita palang daw kasi nitong mahigit p20 milyong piso, dito na kinukuha ng lokal na pamahalaan ang pambayad sa investment para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng pamilihan gayundin ang pondong ginagamit para sa operasyon nito.
(Pio lucena/c.Zapanta)