Upang mapag-aralang mabuti ang kasaysayan ng lungsod, sinuportahan ng mga kapwa niya konsehal ang mungkahi ni konsehal nick pedro na dalhin...
Ayon kay konsehal nick pedro, upang mas maging malinaw ang diskusyon sa nasabing isyu, dapat umanong magsumite ng position paper ang lahat ng mga tao at ahensya na nagnanais na makibahagi sa gagawing pag-aaral ukol sa tamang petsa ng pagdaraos ng araw ng lucena.
Magkaakaiba kasi ang opinyon at mga ipinriprisintang resources ng mga resource persons gaya ng presidente ng konseho ng herencia ng lucena na si vladimir nieto, city librarian na si miled ibias, city tourism officer na si arween flores at presidente ng lucena city council for culture and arts na si dra. Luzviminda calzado na nagresulta ng kalituhan ng kapulungan.
Kaya naman para kay konsehal sunshine abcede-llaga, dapat na dalhin ang usapin sa tamang kometiba dahol hindi kakayanin ng limitadong oras ng regular na sesyon ang matapos ang usapan.
Giit ni zaballero, dapat ay maiayos na agad ang usapin nang sa gayon, ano man ang maging proposal ng committee at maaprubahan ng kapulungan ay masunod na sa susunod na taon.
Nagpasalamat naman si konsehal william noche kay vladimir nieto na nagdala ng nasabing usapin sa kapulungan dahil sa pagnanais nitong mabigyang linaw ang tunay na kasaysayan at pinagmulan ng mga lucenahin.
Samantala , hihintayin ng kapulungan ang resolusyong ipapasa ng lcca sa sangguniang panlungsod hanggang sa unang kwarter ng susunod na taon dahil sa pagiging abala ng council sa mga natitirang aktibidades hanggang sa dulo ng taon. (pio lucena/c.zapanta)