Sa tulong ng lokal na pamahalaan at ng iba’t-ibang mga tanggapan , naging maayos ang pagpapatupad ng oplan kaluluwa sa lungsod na naging da...
Sa ekslusibong panayam ng tv12 kay platino, buong galak nitong ipinayahag na bukod sa ilang vehicular accidents, walang naitala ang pulisya ano mang insidente na may kaugnayan sa nagdaang selebrasyon.
Bagamat nagkaroon umano ng kaunting pagsikip sa parte ng diversion road, sa kabuuan ay naging maganda rin ang daloy ng trapiko sa lungsod.
Naging mahigpit rin aniya ang kanilang pag-iinspeksyon sa mga pumapasok sa sementeryo. Kahit na may ilan silang nasamsam na mga ipinagbabawal na kagamitan gaya ng mga patalim, sa kabuuan ay masasabi nilang naging cooperative ang mga bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong kaanak.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si platino sasuportang ibinigay ni mayor dondonalcala sa lucena pnp. Para kasi kay platino, ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang tulong at pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa kanilang ahensya.
Binigyang pasasalamat rin nito ang mga kawani ng traffic management section, tricycle franchising and regulatory office , city general services office, city engineering office , at public market na kasa-kasama nila sa pagpaplano, paghahanda at paglilingkod sa publiko sa nagdaang undas.
Umaasa ang lucena pnp na patuloy na magiging katuwang ng kanilang tanggapan ang lokal na pamahalaan sa mga darating pang holiday season. (Pio lucena/c.Zapanta)