Kaugnay ng isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan kung saan sa ginanap na information hour ay bisita rito si Pol...
Aa interpulation ay nabanggit ng tumatayong hepe ng kapulisan ng lungsod ng lucena na si Col. Ariza, bagamat kulang ang kapulisan sa ng lucena ay nais nito na e Adopt ang programa na ginawa ng NCRPO na sa kanilang poblasyon ay mayroon pulis na umuuli o walking patrol police.
Ayon kay P/Supt. Ariza, dahilan sa kakulangan ng pulis dito ay maaari na hindi ito maisakatuparan.
Ayon pa dito kung aniya magkakaroon ng karagdagan pulis ay maisasakatuparan ang programang nabanggit.
Dagdag pa nito na nakita niya sa kaniya palang pagpasok sa loob ng poblasyon ay wala aniya na police visibility.
Sinabi pa ng nasabing Opisyal, dahilan rin sa gusto niya na magkaroon ng mga pulis na nauuli sa kabayanan ay minsan sa di inaasahan pangyayari ay may mga krimen sa naturang lugar lalo na ngayon panahon ng Bermonths.
At isa sa kanilang ngayon ginagawa ay ang pagpapatrolya sa lahat ng mga establisyemento sa lungsod, dahilan sa isa ang teramite gang na mga taga Baguio maari umataking muli.
Samantalang sa sinabi ni Col. Ariza na kulang ang kapulisan sa lucena binanggit naman ni konsehal Nic Pedro na kung kinakailangan aniya ng karagdagan puwersa ng kapulisan ay maaari sila na gumawa ng isang resolusyon na rerequest ng karagdagang pulis.
Ayon ito naman ay sa pamamagitan ng chairman ng peace and order sa katauhan ni konsehal Vic Paulo at mapag-aralan sa kaniyang komitiba.
Sa naging saagot naman ni Paulo, noon naman ay mayginawa na siyang request pero hindi sila napagbigyan, pero sa nasabi namang usapin ay nakasuporta siya rito. (PIO-Lucena/J.Maceda)