Photo by Dindo Gendrano LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa kabila ng mga aberya, tiniyak ni DPWH District Engineer johny panganiban na aabot...
Photo by Dindo Gendrano |
Sa ginawang pagdalo ni panganiban sa sangguniang panlungsod kamakailan, sinamantala na ng ilang mga konsehal ang pagkakataon upang kamustahin ang kalagayan ng isinasagawang konstruksyon ng underpass road sa bahagi ng diversion road sa brgy. Gulang-Gulang na pinasimulan noong Pebrero pa ng nakalipas na taon.
Kaugnay nito ay kinwestyon ni Konsehal Benny Brizuela ang kakayahan ng dpwh na matapos ang proyekto hanggang pebrero ng suusod na taon.
Giit naman ni panganiban, sa May 2019 pa ang tunay na target date ng completion ng phase 2 ng underpass road.
Bagamat advance pa umano kung maituturing ang accomplishment ng nasabing proyekto, sisikapin parin ng kanilang tanggapan at ng contractor na mas mapadali ang pagsasagawa nito.
Inamin rin ni panganiban na nabalam ng mahigit dalawang buwan ang kanilang konstruksyon dahil sa mga tubo ng water at communication utilities bagay na kanila nang nasolusyonan.
Kaugnay nito ay tiniyak ni panganiban na tuloy-tuloy na ang gagawing paguhuhkay ng contractor upang matapos na ang phase 2 ng nasabing proyekto.
Samantala , nagpahayag rin ng pagkadismaya si Konsehal Dan Zaballero dahil tila kulang ang manpower ng on-going construction ng underpass road bagay na ipinagtataka niya gayong nagkakahalaga ng ilang daang milyong piso ang nasabing proyekto.
Paliwanag ni panganiban, bukod sa 100 porsyento nang tapos ang diaphram, pinakadingding, poste , tangent pile , at board pile ng bridge proper ng underpass road , tanging mga makinarya na lamang ang kakailanganing gamitin para sa mga back-log.
Madalas raw na nasa ilalim ang mga trabahador para sa base preperation at wall plustering ng underpass road.
Kasabay ng pagsagot ni panganiban sa ilang mga agam-agam ng mga myembro ng sangguniang panlungsod, tinitiyak nito sa mga Lucenahin na hindi magtatagal, ang perwisyong trapiko na patuloy na nararanasan hanggang sa kasalukuyan ay mapapalitan na ng pangmatagalang kaginhawaan.
Inaasahan na oras na matapos ang nasabing proyekto, mas magiging mabilis ang transportasyon ng mga bumabyahe patunging Bicol at Visayas region at pangunong Metro Manila o vice versa na sa kasalukuyan ay umaabot ng hanggang 12 oras. (PIO Lucena/C.Zapanta)