Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagtatayo ng kauna-unahang mga tenement building sa lungsod, nalalapit nang maisakatuparan

Nalalapit nang maisakatuparan ang pagtatayo ng kauna-unahang mga tenement building sa lungsod ng bagong Lucena. Ito ay matapos na pormal n...

Nalalapit nang maisakatuparan ang pagtatayo ng kauna-unahang mga tenement building sa lungsod ng bagong Lucena.

Ito ay matapos na pormal na lagdaan ng presidente ng Housing and Urban Development Coordinating Council na si Secretary Eduardo del Rosario, ang pangulo ng Social Housing Finance Corporation na si Atty.  Arnolfo Ricardo Cabling at ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang memorandum of understanding para sa nasabing proyekto.

Isinabay ang nasabing paglagda sa ginanap na forum hinggil sa mga nagaganap na programang pabahay ng mga key shelter agencies na nasa ilalim ng HUDCC.

Ang mga nasabing ahensyang ito ay kinabibilangan ng Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig Fund, Home Guaranty Corporation o HGC, Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB, National Housing Authority o NHA, at ng National Home Mortgage Finance Corporation o NHMFC.

Ginanap ang nasabing paglagda sa Crowne Plaza Hotel sa bahagi ng Origas, Quezon City na kung saan ay nakasama rin ni Mayor Dondon Alcala sa nabanggit na aktibidad sina Councilor Anacleto Alcala III, Urban Poor Affairs Division Head Lerma Fajarda, City Legal Officer Atyy. Shiela De Leon, Assistant City Legal Officer Atty. Ferdinand “Kits” Lagman at Brgy. Marketview Chairman Edwin Napule.

Naging panauhing pandangal naman sa nasabing okasyon si Senator Jayvee Ejercito na kung saan nagbigay pasasalamat ito sa pagkakataong ibinigay sa kaniya upang maging guest speaker dito.

Inilahad rin ni Senator Ejercito ang ilan nitong mga magagandang programa na isinagawa para sa mga pabahay sa bansa at ang iba pa nitong mga proyekto na tiyak aniyang pinakikinabangan nan g maraming Filipino.

Samantala, sa naging takbo ng programa dito, nagbigay ng mensahe sina HUDCC Presidente del Rosario at SHFC President Atty. Cabling at pinasalamatan nito ang lahat ng mga nagsipagdalo sa nasabing aktibidad.

Gayundin inilahad rin ng mga nasabing opisyales ang mga programa at proyektong pabahay ng kani-kanilang ahensya na ginagawa sa buong bansa.

Matapos na makapaghatid ng kanilang mensahe ay pormal nang isinagawa ang paglagda sa nasabing MOU sa pagitan nina Sc. Del Rosario, Att. Cabling at Mayor Alcala kasama si Councilor Third Alcala.

Nagbigay naman ng kaniyang taus pusong pasasalamat si Mayor Dondon Alcala sa nasabing mga opisyales ng HUDCC at SHFC dahilan sa aniya isang napakalaking tulong  ang proyektong ito para sa lungsod ng Bagong Lucena.

Dagdag pa ng alkalde, tinatayang mahigit sa 600 mga pamilya ang makikinabang sa pagtatayo ng naturang tenement building na ito na itatayo sa bahagi ng brgy. Marketview.

Matapos na maipahayon ang kaniyang lubos na pasasalamat sa mga nabanggit na opisyales, nagpakuha naman ng larawan ang mga ito bilang pagpapakita ng pormal na nilagdaan na ang kanilang memorandum.

Ang pagtatayo ng naturang limang gusali na may tatlong palapag at ang magiging benipisyaryo nito ay ang mga Lucenahing naninirahan sa mga tabi ng ilog, mga apektado ng demolisyon, mga naninirahan sa ilalim ng tulay at iba pa.

Dahilan sa isa sa mga hinahangad ni Mayor Dondon Alcala para sa mga Lucenahin ay magkaroon ang mga ito ng tahanan na kung saan ay magiging ligtas ang mga ito sa anumang uri ng kapahamakan at nang hindi pa malagay sa alanganin ang kanilang buhay. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.