Bilang host ng isinagwang regular flag raising ceremony kamakailan, nagpahayag ng pasasalamat ang pamunuan ng dalubhasaan ng lungsod ng l...
Bilang host ng isinagwang regular flag raising ceremony
kamakailan, nagpahayag ng pasasalamat ang pamunuan ng dalubhasaan ng lungsod ng lucena kay mayor dondon alcala sa pamamagitan ng
administrative officer nito na si maria charmaine lagustan.
Ayon kay lagustan, ang
moral at pinansyal na suportang
nakukuha ng dll mula sa pamahalang
panlungsod sa pangunguna ni mayor dondon
allcala ay nagsisilbing patunay na binibigyang pagpapahalaga ng alkalde ang
aspeto ng edukasyon sa lugar.
Naniniwala kasi si lagustan
na sa ganitong paraan, nakapag-proproduce ang dalubhasaan ng mga edukado at
mahuhusay na manggagawa na siyang magigingmalaking katulungan upang higit pang umunlad ang mas maraming
lucenahin kasabay ng pag-unlad ng lungsod.
Dagdag pa nito, ang dll ay isa sa 78 local colleges sa buong
bansa, isa sa 15 colleges sa buong
calabarzon at 1 sa 2 local colleges sa probinsya ng quezon. At sa 17 taong operasyon ng nasabing
paaralan, nasa 3200 competitive na mga mag-aaral na umano ang nagsipagtapos sa
dalubhasaan sa 9 na kursong kanilang
inaalok.
Bilang unang local college sa probinya ng quezon, malugod rin
nitong ibinalita na nakatanggap ang dalubhasaan ng ng free education subsidy mula sa gobyerno.
Patuloy rin umanong nililinang at pinayayabong ng dalubhasaan ang
kalidad ng edukasyong kanilang ibinibigay sa kanilang mga estudyante sa
pamamagitan ng mga seminars at workships at pagrerecruit ng mga magagaling at
masisipag na propesor na dalubhasa sa
kani-kanilang mag larangan.
Ayon pa kay lagustan, makakasa ang mga lucenahin na patuloy
na magiging instrumento ang dalubhasaan sa higit pang pagpapaunlad ng
lungsod at ng mga mamamaayan nito. (pio lucena/c.zapanta)