Sa pagnanais na matulungan ang mga magsasakang Lucenahin, namahagi ng mga agricultural inputs ang pamahalaang panlungsod para samga ito kama...
Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ginawang pamamahaging ito kasama sina Senior City Councilor Anacleto Alcala III, City Agriculturist Melissa Letargo at Mam Irish Hernandez mula naman sa Regional Office ng Department of Agriculture.
Ginanap naman ang naturang aktibidad sa sa Lucena City Government Complex Grounds na dinaluhan ng mga magsasaka mula sa mga barangay ng Ilayang Dupay, Mayao Parada, Ibabang Talim at Mayao Crossing.
Tatlong klase ng hybrid na palay seed na RC10, RC 18 at RC 300, mga abono, urea at MOB ang ipinamigay ng city government sa mga naturang magsasaka.
Sa maiksing programa na isinagawa dito at sa naging pananalita ni Councilor Third Alcala, kaniyang lubos na pinasalamatan at lubos na ipinagmamalaki ang lahat ng mga magsasakang Lucenahin dahilan sa mga kamay aniya ng mga ito nagsisimula ang lahat ngmga kinakain ng bawat Lucenahin.
Samantala, pinasalamatan naman ni Mayor Dondon Alcala ang tanggapan ng Panlungsod na Agrikultura sa pamumuno ni Mam Melissa Letargo dahilan sa pagsasagawa ng ganitong uri ng pamamahagi na malaking tulong ito para sa mga magsasakanag Lucenahin.
Dagdag pa ng alkalde, sa pamamgitan ng mga certified palay seeds na ito, makatutulong ito sa mga nasabing benipisyaryo upang mabawasan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa ngayon dahilan sa magkakaroon na ng supply ng bigas sa ating lungsod.
Ang isinagawang pamamahaging ito ng mga naturang agricultural inuputs ay naisakatuparan dahilan na rin sa pagnanais ni Mayor Dondon Alcala na nabigyan ng kaukulang pansin at pagpapahalaga ang hanay ng mga magsasakang Lucenahin at bilang pasasalamat na rin nito sa lahat ng mga naitutulong ng mga ito lalo’t higit sa usapin ng pagkain. (PIO Lucena/ R. Lim)