Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamunuaan ng Sangguniang kabataan ng Brgy. Silangang Mayao, namahagi ng mga gamit panlinis sa kanilang lugar

Sa pagnanais na maging malinis ang kanilang barangay, namahagi ng ilang mga kagamitang panlinis sa kanilang mga kabarangay ang pamunuaan ng ...

Sa pagnanais na maging malinis ang kanilang barangay, namahagi ng ilang mga kagamitang panlinis sa kanilang mga kabarangay ang pamunuaan ng Sangguniang kabataan ng Brgy. Silangang Mayao.

Ang pamamahaging ito rin ay bilang pakikiisa ng nasabing samahan sa pagpapatupad ng solid waste management sa kanilang lugar at pakikiisa rin ng mga ito sa programa ng pamahalaang panlungsod na waste segregation.

Ilan sa mga ipinamahagi ng mga miyembro ng SK ng Silangang Mayao ay mga trash can, walis tambo at mga walis tingting.

Ayon kay SK kagawad Sharmaine Gacos, bilang mga residente ng naturang lugar isa sa kanilang mga malasakit ay ang magkaroon ng malinis na kapaligiran at ito ang isa sa naging motibo nila upang isagawa ang nasabing proyekto.

Ipinagpapasalamat rin ni SK Kagawad Gacos ang ginawang pagsuporta at pagtulong ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Barangay, lalo’t higit ni Chairwoman Nieves Maaño, upang maisakatuparan ito.

Ilan samga purok na pinagkalooban ng naturang kagamitan ay ang Purok Ilang-Ilang, Camia, Rosal, Sampaguita at Jasmin.

Dagdag pa ng SK Kagawad, napili nila ang mga lugar na nabanggit dahilan sa ang mga ito aniya ang mas nangangailangan ng kaukulang atensyon pagdating sa usapin ng kalinisan sa kanilang barangay.

Ayon pa rin kay Gacos, ilan pa sa kanilang mga nais na gawing programa ang pagkakaroon ng mga feeding program para sa mga malnourished na kabataan sa kanilang lugar.

Gayundin ang pagkakaroon ng paliga sa iba’t-ibang uri ng pampalakasan tulad ng basketball, volleyball at iba pa.

Magpapatuloy rin aniya ang proyekto nilang ito na paglilinis sa iba’t-ibang purok sa kanilang barangay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang barangay upang maging malinis ang brgy. Silangang Mayao.

Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng programa ng mga miyembro ng Sangguniang Kabatan ng Brgy. Silangang Mayao, sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Sangguniang barangay, ay sa pagnanais na maging kaaya-aya sa paningin ng lahat ng magtutungo dito ang kanilang lugar bukod pa rin ang paghahangad na mailayo sa anumang uri ng sakit ang kanilang mga kabarangay na dala ng maduming kapaligiran. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.