Sa pagnanais na maging malinis ang kanilang barangay, namahagi ng ilang mga kagamitang panlinis sa kanilang mga kabarangay ang pamunuaan ng ...
Ang pamamahaging ito rin ay bilang pakikiisa ng nasabing samahan sa pagpapatupad ng solid waste management sa kanilang lugar at pakikiisa rin ng mga ito sa parograma ng pamahalaang panlungsod na waste segregation.
Ilan sa mga ipinamahagi ng mga miyembro ng SK ng Silangang Mayao ay mga trash can, walis tambo at mga basurahan.
Ayon kay SK kagawad Sharmaine Gacos, bilang mga residente ng naturang lugar isa sa kanilang mga malasakit ay ang magkaroon ng malinis na kapaligiran at ito ang isa sa naging motibo nila upang isagawa ang nasabing proyekto.
Ipinagpapasalamat rin ni SK Kagawad Gacos ang ginawang pagsuporta at pagtulong ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Barangay, lalo’t higit ni Chairwoman Nieves Maaño, upang maisakatuparan ito.
Ilan samga purok na pinagkalooban ng naturang kagamitan ay ang Purok Ilang-Ilang, Camia, Rosal, Sampaguita at Jasmin.
Dagdag pa ng SK Kagawad, napili nila ang mga lugar na nabanggit dahilan sa ang mga ito aniya ang mas nangangailangan ng kaukulang atensyon pagdating sa usapin ng kalinisan sa kanilang barangay.
Ayon pa rin kay Gacos, ilan pa sa kanilang mga nais nag awing programa ang pagkakaroon ng mga feeding program para sa mga malnourished na kabataan sa kanilang lugar.
Gayundin ang pagkakaroon n paliga sa iba’t-ibang uri ng pampalakasan tulad ng basketball, volleyball at iba pa.
Magpapatuloy rin aniya ang proyekto nilang ito na paglilinis sa iba’t-ibang purok sa kanilang barangay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang barangay upang maging malinis ang brgy. Silangang Mayao.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng programa ng mga miyembro ng Sangguniang Kabatan ng Brgy. Silangang Mayao, sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Sangguniang barangay, ay sa pagnanais na maging kaaya-aya sa paningin ng lahat ng magtutungo dito ang kanilang lugar bukod pa rin ang paghahangad na mailayo sa anumang uri ng sakit ang kanilang mga kabarangay na dala ng maduming kapaligiran. (PIO Lucena/ R. Lim)