Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

PPLB 17th Congress, inihanda ang barangay sa kalamidad

Photo Op with Quezon LNB deligates with LNB National President Hon.  Faustino Ino Dy and LNB quezon chapter President Hon. Ireneo Boyong B...

Photo Op with Quezon LNB deligates with LNB National President Hon.  Faustino Ino Dy and LNB quezon chapter President Hon. Ireneo Boyong Boongaling


Davao Convention Center, Davao City - Dinaluhan ng humigit isang libong delegado mula sa mga miyembro ng LNB Quezon Chapter ang PPLB 17th Congress na ginanap sa Davao Convention Center, Davao City kamakailan. May temang “Barangay Disaster Resiliency; Awareness and Resilience and A key to Survival-Sa Barangay na Handa Kakaunti ang Sakuna”na ayon sa DILG Quezon Provincial Director Darrell Dizon ay napapanahon ang tema sa nasabing kongreso.

Aniya, kakaunti ang sakuna kung ang mga barangay officials ay handa sa kayang klase ng kalamidad na dumarating sa ating bansa. Sinasabi nito na kung hindi handa ang barangay ay ang kapalit nito ay ang pagkasira ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.Malaki rin ika niya ang epekto ng kalamidad sa sektor ng agrikultura kapag dumarating ang kalamidad.

Ayon pa kay PD Dizon, ang LGU ay may mandato na maglaan ng pondo sa MRRMC upang maisiguro na may gagamitin sa panahon ng kalamidad.

Malaki diumano ang ginagampanan ng barangay upang masiguro na makakaabot sa mamamayan ang mga paghahanda sa prevention at risk reduction management. Sa nasabing PPLB year end congress ay dumating si dating PNP Chief at Usec. Ronald Bato Dela Rosa at sinabi na ang barangay ang pinaka-importante sa war on drugs.

Si Usec. Martin Diño na naging keynote speaker ng PPLB 17th congress ay sinasabing ipaglalaban niya ang kapakanan ng mga barangay officials sa pamamagitan ng pagsusulong ng Magna Carta for Barangay upang matiyak ang mga benepisyo at seguridad sa tungkulin ng mga ito. Sa mensahe ni Senator Cynthia Villar sa mga LNB Quezon Chapter delegates ay sinabi niya na ang malakas na bagyo tulad ng bagyong Yolanda ay isang “norm” o pangkaraniwan na lang na pangyayari sa ating bansa dahil sa climate change na resulta ng global warming. Kaya aniya dapat sa anumang kalamidad ang barangay ay handa at may sapat na kaalaman sa disaster management.

Ayon naman kay LNB National President Faustino “Ino” Dy ay nagtatagubilin sa mga bagong halal na barangay official na kolektahin ang mga magagandang ginagawa sa barangay sa Luzon, Visaya at Mindanao at gawin itong halimbawa. Aniya, ang paggawa ng mga gabay ay makakatulong upang mapaganda at mapabilis pa ang serbisyo sa mamamayan.

Nanawagan naman si PPSK Quezon President Irish Armando na sana ay maging kabahagi at makatugon ang lingkod kabataan sa pagsasagawa ng risk reduction sa barangay. Ang barangay din umano ang first line of defense sa mga dumaratingna kalamidad saan mang panig ng bansa.

Ayon naman kay Mayor Macario “Macky” Boongaling ipinagyayabang o ipinagmamalaki ng Brgy. Chairman sa kanyang mga kabarangay ang mga proyektong ibinibigay ng LGU’s tulad ng farm to market roads dahil ito umano ay nakapagbibigay ng kaginhawaan at kaunlaran sa pamayanan.

Samantala nagpasalamat si LNB -Quezon President at Ex-officio Board Member Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling sa pakikiisa ng mga miyembro ng LNB sa lalawigan. Aniya, nararapat na gawin ang year end congress sa pagtatapos ng taong 2018 dahil hind umano natin alam kung kailan darating ang kalamidad tulad ng lindol, sunog at iba pa.

“Nararapat po nating gawin ang paghahanda sa kalamidad kaya nag-imbita po tayo ng mga tagapagsalitang eksperto sa ganitong larangan para sa pagpaplano,mga kinakailangan,pagpapatupad ng batas at ang tamang paggamit ng pondo”. (with reports: Ace Fernandez, Lydon Gonzales @pplbmediabureau.com.ph)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.