Dahil sa bago, maganda, malinis at kombinyenteng pamilihan, dinarayo ng mga parokyano at mga mimimili ang public market ng lungsod. Sa eks...
Sa ekslusibong panayam ng tv12 sa hepe ng public market na si noel palomar kamakailan, malugod nitong ibinalita na patuloy na nagbubunga ang lahat ng mga proyektong pinasimulan ni mayor dondon alcala.
Anito, bukod sa murang mga bilihin, dahil sa pagiging centralized umano ng public market ng lungsdo, nahihikayat ang mga parokyano na magtungo dito.
Patunay na umano dito ang pagkita nang maganda ng mga maninindahan sa kabila ng dami ng mga kakumpitensya.
Nakasisiguro si palomar na sa dami ng mga pwestong naglalaban-laban kung hindi dinarayo ang pamilihan, maraming maninindahan na ang nagsara na ng kanilang mga pwesto.
Ngunit kabaliktaran umano nito ang nangyayari. Sa katunayan, marami sa mga ito ay nagtitinda mula madaling araw hanggang gabi.
Malugod rin nitong ibinalita na magpasa hanggang ngayon, marami paring mga maninindahan ang naghahanap ng mga bakantang pwesto sa pamilihan na matutugunan na ng kanilang tanggapan sa oras na mabuksan na ang likurang bahagi ng palengke.
(pio lucena/c.zapanta)