Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong ika-7 ng Nobyembre sa Manila Hotel ang Seal of Good Local Gov...
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong ika-7 ng Nobyembre sa Manila Hotel ang Seal of Good Local Governance award para sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon. Dito, muling kinilala ng kagawaran ng DILG ang lalawigan sa ilalim ng administrasyon ni Gob. David C. Suarez para sa taglay nitong husay sa pamamahala.
Ang SGLG ang kinikilala bilang pinakamataas na parangal na iginagawad sa mga Local Government Units sa bansa na nagpamalas ng tapat at maasahang pamamahala sa kani-kanilang komunidad. Para sa buong CALABARZON region, tanging Quezon at Laguna lamang ang tumanggap ng nasabing parangal.
Bukod sa lalawigan, pumasa rin sa assessment ng konseho ang ilang munisipalidad sa Quezon tulad ng Mauban, Gumaca, Panukulan at San Antonio kung saan personal ring tinanggap ng kani-kanilang mga punong-bayan ang plake ng pagkilala kasama si Gob. Suarez.
Nakapaloob ang 2018 Seal of Good Local Governance sa Senate Bill No. 1843 na pasado na sa ikatlo at huling pagdinig sa Senado. Para sa taong ito, isinulong ng SGLG committee ang “All-in” criteria mula sa “4+1” criteria noong 2017. Kabilang sa mga batayan na ito ay ang financial administration, disaster preparedness, social protection, peace and order, business-friendliness and competitiveness, environmental management at tourism, culture and the arts, health compliance and responsiveness at program for sustainable education.
Ayon sa datos, 289 o 38% lamang ang naitala na consistent passer ng SGLG award mula sa taong 2017 hanggang 2018, kabilang na ang Quezon. Ang unti-unting pagdami ng kabuuang bilang ng mga kinilalang LGU para sa SGLG ay nagpapakita lamang ng kakayanan ng mga lokal ng pamahalaan na makisabay sa hinihinging mahigpit na pamantayan ng DILG.
Sa mensahe ni DILG Secretary, Eduardo Año, inihayag niya ang masusi na pagtutok ng mga evaluators para sa mga gagawaran ng award ngayong taon.
“Only the best of the best were given due recognition because we wanted to aim for quality and not quantity. It is my honor to recognize the efforts of our local chief executives, especially our mayors and governors for stirring your LGUs to better heights. Alam natin ang pinagdaanan ninyo at mga pagsubok na nilampasan. Ang tunay na panalo rito ay ang sambayanang Pilipino na inyong nasasakupan.” pahayag ni Año.
Aniya, ang layunin ng kanilang kagawaran ay ang pagkakaroon ng mas marami pang modelong LGU sa bansa na nagpapamalas ng husay sa serbisyo-publiko. Kasabay nito ay ang kanyang hamon sa iba pang lokal na pamahalaan na mas pag-ibayuhin ang kanilang pamamahala sa kani-kanilang bayan.
“Kaambag ng pagtanggap ninyo ng parangal ay ang hamon na maibigay sa inyong pamahalaang lokal na gawin nila kayong mga huwaran at isabuhay din ang antas ng inyong dedikasyon at pagmamalasakit bilang mga lingkod bayan. Remember that you are not only public servants not only in your respective provinces, cities and municipalities, but we are altogether servants to the entire Filipino people. Inaasahan namin na dadami pa ang bilang ninyo sa susunod na taon. Habang patuloy ang pagtaas ng pamantayan ng kapatapatan, kahusayan at pagmamalasakit sa pagsisilbi sa bayan.” pagtatapos ni Sec. Año.
Ayon sa komite, mahalaga rin na makita ng mga pamahalaang lokal ang kahalagahang naidudulot ng kanilang pagsunod sa humihigpit pang batayan bilang SGLG awardee para sa kagalingan ng pamumuhay ng mga mamayang pinaglilingkuran nila.
Ang pagsusumikap ng bawat LGU na makapagbigay ng mahusay na serbisyo para sa kanilang mga kababayan ay isa sa mga pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng SGLG. Indikasyon lamang ito ng kanilang dedikasyon sa mga mamamayan upang makapagbigay ng mahusay at tapat na serbisyong panlipunan. (Quezon – PIO)