Patuloy na inilulunsad ng sangguniang panlungsod sa pangunguna ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga ang programang Sanggunian Eskwelahan para s...
Ang programang ito ay nakabase sa ordinansang naglalayon na maging learning platform ang sanggunian para sa mga kabataang nagnanais na matuto ng mga prosesong pinagdadaanan sa pagsasagawa at pagsusulong ng mga ordinansa at resolusyon.
Bukod sa mga SK Chairmen, nakikiisa rin sa aktibidad ang mga SK Kagawad nila upang maging bukas din ang mga ito sa tunay na papel na ginagampanan ng mga kabataang mamumuno sa patuloy na pagpapaunlad hind lang ng lungsod ng Lucena kundi pati na rin ng buong bansa.
Gayundin ayon kay Llaga, sa pamamagitan ng naturang aktibidad ay kanilang hinihikayat at itinataguyod ang mahusay at mabuting paglilingkod at pamamahala sa mga ito.
Dagdag pa nito, bilang nagsisimula na ang mga ito sa pagiging public servants, sa tulong aniya ng Sanggunian eskwelahan program ay maaaring madala nila ang elemento at kaalaman tungkol sa good governance,
At makatulong ito upang maging isa silang ethical, empowering at effective leaders ng lungsod o ng bansang Pilipinas.
Sa huli ay inaasahan naman ang tuloy tuloy na pagsasagawa ng naturang aktibidad para sa lahat ng mga kabataang mamumuno ng lungsod ng bagong Lucena.(PIO-Lucena/M.A.Minor)