Kamakailan muling nagkaloob ang sangguniang Barangay ng Dalahican ng T-shirt bilang karagdagang uniporme ng mga Barangay Police at Barangay...
Ang pagkakaloob na ito ay isinagawa sa Sesyon Hall ng naturang Barangay kung saan ay pinangunahan ito ng mismong Kapitan na si Chairman Roderick Macinas kasama sina Kagawad Luisito San Pascual at Kagawad Albert Ambet Enriquez.
Ang nasabing uniporme ay mula sa Events Org Promotion sa pamamagitan ni Anne Tisado.
Na nakatuwang nila ang mga ito sa ginanap na Dalahican Fun Run noong October 21, 2018 at ito ay bilang bahagi na rin ng kanilang kapistahan.
Ang Barangay Police ang isa sa naging beneficiary nito at ang pagbibigay ng nasabing uniform ay isang paraan upang mapalakast ang moral ng mga ito.
Matatandaan na unang nagkaloog ng uniporme ang sangguniang barangay sa mga barangay police noong october 22, 2018 na ang pundo naman ay ng galing sa barangay.
Samantalang isa pa sa naging beneficiary ng naturang aktibidad ay ang St. Rafael Archangel Parish Church na kung saan ay sa kasalukuyan may ginagawa sa bahagi ng simbahan.
Sa huli ay nagpasalamat naman ang bumubuo ng sangguniang barangay ng Dalahican sa pamumuno ng punong barangay na si Roderick Macinas sa Event Org Promotion.
At uumasa sila na sa mga susunod na programa at proyekto ng kanilang barangay ay makatuwang muli ang mga ito. (PIO-Lucena/J.Maceda)