Nais po naming itaguyod ang social equity na kung saan hindi lamang kabataan, out of school youth, mga empleyado at ibang mga mamamayan ng l...
Ito ang naging pahayag ni SK Federation President, Konsehal Patrick Nadera sa naging panayam sa kanya ng TV12 kamakailan.
Kaugay ito sa isinagawang programa ng naturang pederasyon para sa mga detainees ng Lucena City District Jail na tinawag nilang Serbisyong may Ngiti.
Nasa isang daang mga PDL na binubuo ng limampung kababaihan at limampung kalalakihan ang nakiisa sa nabanggit na programa.
Dito ay pinagkalooban sila ng mga hygiene kits tulad ng mga sabon, toothpaste, face towel at iba pa.
Nabigyan rin sila ng ilang serbisyong makakapagparelax sa kanila sa tulong na din ng Lucena Manpower Skills Training Center, tulad ng libreng gupit at libreng masahe.
Ayon pa kay Nadera, malugod silang tinanggap ng mga mamamayang naligaw ng landas at makikita sa mga mukha ng mga ito ang katuwaan dahil sa kahit sa kaunting panahon ay nabigyan sila ng pansin.
Sa katunayan nga aniya ay mayroong isang person deprived of liberty na nagbigay ng mensahe bilang pasasalamat sa kanila.
Sa kabilang banda ay nagbigay naman ng paalala si Nadera sa mga mamamayan na pagtuunan ng pansin ang mga kapwa nila na nakakaranas ng pagkalito sa kanilang landas na tinatahak gayundin ay ang mga biktima ng bullying.
Inaasahan naman ang iba pang mga programang isusulong ng SK Federation para sa mga mamamayang Lucenahin.(PIO-Lucena/M.A.Minor)