Dahilan sa nalalapit na kapaskuhan karamihan sa mga tahanan at iba pang establishment ay nagkakabit na ng parol,christmas light at iba pa. ...
Kaya naman kamakailan ay isa ang SM City Lucena Christmas Launch opening.
Na ginanap sa ground floor ng nasabing mall At Kabilang rin sa dumalo sa naturang aktibidad ay sina City Administrator Anacleto Jun Alcala Jr. bilang kinatawan ni Mayor Dondon Alcala, Janet Buelo ng Quezon PIO, kinatawan mula DTI, Quezon Provincial Tourism Office,
naging guest din dito si Ms. Kalina Ann Viel, maging si PR Manager for Southluzon LiLibeth Asorez, iba’t iba mga opisyales ng SM at ilang mga bata mula sa dalawang dalawang eskuwelahan dito sa lungsod.
Kung saan ay sinaksihan din ng ating mga kababayan ang kahangahangang grand tradition ng naturang mall upang ipakita ang masayang pasko sa mall na may mga ilaw at magic na nagtatampok ng iba't ibang centerpiece.
Sa pagdaloy ng programa ay pinangunahan naman ni SM City Lucena’s Assistant Mall Manager Engr. Russel Alegre ang welcome remarks.
At pagkatapos nito ay nagcountdown bilang hudyat ng pagsindi ng ilaw sa decorate dito at pagpasok ni Santa Mascot kasama ang ilang mga ELF and dance performers.
Sa pagkita pa lamang ng mga bata kay santa claus ay tuwang tuwa ang mga ito.
Sumunod ang Dance Performance by Tersichorean Performing Arts Acadamy.
Matapos ang ilang minutong pagpapakita ng kanilang sayaw ay sumunod naman dito ay uma-awit naman ang MVIBE.
Samantalang sa huling bahagi ng naturang aktibidad ay nagpakuha naman ng litrato ang lahat ng mga guest at ilang pang mga Media Practitioner sa lucena na dumalo dito. (PIO-Lucena/J.Maceda)