Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SOBA ni Bokal Boyong Boongaling, ipinakita ang tunay na paglilingkod

Hon. Ireneo Boyong Boongaling  LNB – PRESIDENT QUEZON CHAPTER Brgy. Masalukot, Candelaria, Quezon – Ginanap kamakailan ang 2nd ...

Hon. Ireneo Boyong Boongaling LNB – PRESIDENT QUEZON CHAPTER



Brgy. Masalukot, Candelaria, Quezon – Ginanap kamakailan ang 2nd Semester Barangay Assembly Day 2018 sa Brgy. Masalukot na may temang MAKIALAM! MAKILAHOK! MAKIISA! sa ilalim ng Nagkakaisang Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maunlad at Matiwasay na Barangay. Sa nasabing Barangay Assembly na dinaluhan ng maraming mamamayan mula sa ibat-ibang sector sa barangay ay inilahad ni Brgy. Chairman at LNB-Quezon President Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling ang kanyang SOBA – State of Barangay Address na naglalaman ng kanyang saloobin, adbokasiya, mga programa, mga natapos na proyekto at ang paraan ng kanyang pamamahala na mission oriented. Dito ay sinabi ni Bokal Boyong na ang kanyang misyon ay “makapagkaloob ng tapat at tunay na paglilingkod sa bawat mamamayan at magbigay ng lantad at bukas na pamamahala para sa kaalaman at kagalingan ng lahat” ito po ang ginagawa naming nag-uulat sa inyo mga kabarangay ko ng dalawang beses sa taon. Upang malaman at maibahagi namin sa inyo ang aming natatapos na mga proyekto at mga adhikain para sa ating barangay. Sa loob ng anim na taon bilang Ama ng Barangay Masalukot 1, ay palagi kong sinisikap na maging isang mabuting Lingkod barangay, lalo’t higit ay maging karapat dapat sa tiwalang ipinagkakaloob ninyo sa akin. Ang pasasalamat ay hindi sasapat para suklian ang muli ninyong ibinigay na pagkakataon sa akin upang paglingkuran kayo. Kaya asahan ninyo na ang ibabalik ko sa inyo ay tapat at totoong paglilingkod”

Accomplishment of the First Semester:

Updated barangay map na makikita sa ating Barangay Hall, Kulungan ng mga asong nahuhuli, Traffic barrier na ginagamit pag may checkpoint

Mga nagging Activities sa ating Barangay

Ang Flag raising Ceremony na buwanang ginaganap tuwing unang lunes ng buwan at ito ay dinadaluhan ng mga Senior Citizen, nakaplatilya, Daycare at NCDC Childrens, at iba pang mammayan ng masalukot. Ang Buwanang Paglilinis ng Sangguninang, Clean-up Drive, Nutrition Month Celebration ng Precious Day Care Center at NCDC. Sipag (Simula ng Pagasa) isang proyekto ng PNP sa tulong ng Sanggunian at ng mga Brgy. Tanod para sa mga tinokhang at nagkakaroon sila ng Counseling sa pamumuno ni Pastor Jojo Cuevas at ginaganap ito tuwing biyernes.

Appropriation

Transparent ang Sanggunian sa lahat ng Pondo na ginagastos sa mga pagawain ng barangay at mga pangangailangan nito. Maayos at tamang paggamit ng pondo para sa ating mga proyekto, makikita ninyo dito sa Ating Full Disclosure Board na nasa harap ng Barangay.

Health Program

May ambulansiya tayo para sa nangangailangan, na sa ngayon ay ating ipinapaayos para maging mas ligtas ang mga pasyente na gagamit nito. May mga gamut rin po tayo para sa mga nagmamaintance ng sa Highblood. At para naman sa ma ibang kabarangay natin ay ang pag check-up at pagrereseta sa kanila ng mga kinakailangang gamit. Nagkaroon tayo ng Nutrition Education sa mga magulang lalo’t higit sa mga buntis dito sa ating Barangay. Katunayan nga ay meron silang naging programa na pagtatanim ng gulay at meron ibinigay na pa premyo sa pinaka magandang gulayan sa bakuran.

Education & Sports

Patuloy ang pagbibigay ng ating barangay ng School Aid sa Masalukot I Elementary School at sa Dr. Panfilo Annex. Tuloy-tuloy na pagsuporta sa lahat ng programa ng mga paaralan dito sa ating barangay. Jeep na service ng gma mag-aaral ng Panfilo, sa Pangunguna ni Kag. Jazer Cullarin ay aktibo siya sa pamumuno at paggampan sa kanyang komitiba. Siya din ay nagbigay ng School Supplies sa mga batang mag-aaral ng Daycare at ng NCDC School.

Seminar And Trainings

-12TH PHALGA Southern Luzon Geographical Conference at ito ay ginanap sa Legaspi City noong April 2018 dinaluhan ito ni Sec. Nona Hernandez, Sec. Naomi Tanyag, Treasurer Myleen Sun, Brk Aline Umali, at BNS Connie Padin

-Basic Orientation Seminar on Republic Act 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000 for Newly Elected Brgy. Official ng Candelaria, Quezon noong August 2, 2018 Casa Patricia Hotel and Resort, kasama ng inyong lingkod ang ating mga bagong kagawad at Sec. na umattend dito.

-Zoning and BGAD Planning noong August 13, 2018 na dinaluhan n gating Brgy. Administrator, Kag. Arvin Ilagan at ng ating Sec.

-BNEO Barangay Newly Elected Officials Towards Grassroot Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent.

(GREAT) na dinaluhan ng ating Sangguniang Barangay kasama ang ating Secretary at Treasurer Sa Queen Margarette Hotel Lucena City noong September 20-21, 2018.

-Budget and Planning Seminar noong September 27-29, 2018 sa Subic na dinaluhan ng inyong lingkod kasama ang ating Secretary at Treasurer.

Financial Report for the First Semester

Ang cedula na pumapasok sa atin simula March hanggang Oktubre 2018 ay Php 34,805.00 at sa ating resibo ay Php 52,290.00 ang ating cash fund ay Php 1,573,540.50 at ang ating BDRRM fund ay may halagang Php 224,130.30. Ang IRA po sa ngayon ay Php 4,482,606.00 a para sa taong 2019 ay Php 4,940,062.00

Updates on CY 2018 Programss and Projects:

-PAGASA Shelter – on going project

-Covered Court

-Welcome Arc

Sa nasabing okasyon ay ipinaabot ni DILG Secretary Eduardo Año ang kanyang mensahe na binasa ni Psupt. Franco Allex Mendez Reglos at sinabi nito na ngayong “Barangay Assembly Day” isa na namang magandang pagkakataon para magkaroon ng masiglang dayalogo sa pagitan ng bagong naluklok na barangay opisyal at mga residente upang mapag-usapan at mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng ating Barangay, lalong-lalo na ‘yong may kinalaman sa pagsugpo ng bawal na droga, paghahanda sa kalamidad, pangangalaga sa kapaligiran at marami pang iba. Angkop at napapanahon ang tema ng ating Barangay Assembly ngayong ikalawang semester ng taon na nagsasabing “Nagkakaisang Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maunlad at Matiwasay na Barangay.”sapagkat sa mga nagdaang taon sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan ay nasaksihan natin ang bunga ng aktibong partisipasyon ng bawat Pilipino. Una na riyan ang patuloy na umiigting na kampanya laban sa iligal na droga para mapanatili ang pampublikong kaayusan at kaligtasan nang mabigyang daan ang kaunlaran. Hinihimok din natin ang bawat barangay na higit pa nitong palakasin ang mga barangay house cluster at ang Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC Auxiliary Team, gayundin ang pakikipagtulungan sa mga pampamayanang samahan. Sa pamamagitan nito, lubos nating maipaabot ang ating mga panawagan sa mas marami pang mga indibidwal at pamilya. Mahigpit din nating ipinananwagan sa lahat ng Barangay na siguraduhing organisado ang mga insitutusyong pambarangay. Nariyan ang Barangay Development Council o BDC, Barangay Disaster Rick Reduction Management Committee o BDRRMC, Barangay Ecological and Solid Waste Management Committee o BESWMC, Barangay Council for the Protection of Children o BCPC Violence again Women o VAW Desk, at Lupong Tagapamayapa. Pinaninindagan ng kasalukuyang pamahalan ang pangako nito na sugpuin ang lahat ng anyo ng korapsyon. Ang DILG ay nananalig na ang lahat ng opisyal at kawani ng mga barangay ang mangunguna sa pagsugpo ng korapsyon. At kayong mamamayan, ngayon higit kailanman, ay inaasahang maging mapanuri at mapagmatyag sa mga programa’t proyekto ng mga barangay. Suriin at alamin ang budget at gastos ng inyong barangay na dapat ipinapaskil ng inyong mga opisyal sa Barnagay Full Disclosure Board sa loob ng barangay hall. Samantala, nagbigay ng mensahe sa nasabing okasyon si Mayor Macky Boongaling at sinabi nito sa mga dumalo na patuloy ang ginagawang mga proyekto ng pamahalaang lokal para sa maunlad na bayan ng Candelaria. Patungkol naman sa kalinisan ng kapaligiran ang mensahe ni DILG Pnd Director Lionel L. Dalope. Sa barangay issues and Concerned naman ay tinalakay ito ng mga kagawad ng barangay na sina Kag. Abel T. Caguitla Kag. Rafael R. Bustamante, Kag. Alberto L. Sandoval, Kag. Roberto R. Bañares, Kag, Jeser A. Cullarin. Kag. Ma. Cristina L. Moscardon, Kag. Arwin S. Ilagan at SK Chairperson Cyrill Mae B. Octoman. Sa mga dumalo ay nagpasalamat si Bokal Boyong Boongaling at sinabing “aking hinihingi ang inyong buong suporta at ako’y iyong pagkatiwalaan at sa tiwalang ito ay ating babalangkasin ng buong pag-asa at hinaharap ng ating minamahal na barangay….. inyo pong paghahawakan ang aking katapatan upang kayo’y mapaglingkuran pa.”

With reports – Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ PPLB Media Bureau.




Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.