Bilang pagsuporta sa kultura at tradisyon ng mga katutubong pilipino, matagumpay na isinagawa kamakailan ang inihandang photo exhibit ng phi...
Ayon kay christina arsedon ng pia calabarzon, sa tulong ng ncaa ay binuksan nila sa publiko ang 5 araw na aktibidad na may titulong ‘of natives and narratives photo exhibit’ na sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyon ng mga katutubong pilipino sa 7 rehiyon sa bansa kabilang na ang cordillera administrative region, region 1, 2, 3, 4a , 4b at region 5.
Ang nasbaing aktibidad umano ay paggunita nila sa selebrasyon ng indiginous people noong nakaraang buwan ng oktubre.
Dagdag pa nito, upang maipakita at maipabatid sa publiko lalo’t higit sa mga mag-aaral ang makulay na kultura at maipagmamalaking tradisyon na patuloy na tinataguyod ng mga aeta communities sa bansa, matapos ang 5 araw na photo exhibit sa pacific mall, ilalapit naman nila ito sa publiko at mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-iikot sa iba’t-ibang local government units at mga eskwelahan sa calabarzon.
Layunin rin ng nasabing aktibidad na mahikayat at mabigyan ng pagkakataon ang mga katutubong pilipino na kumuha at makatanggap ng suporta mula sa lokal at nasyonal na pamahalaan hinggil sa mga problemang kinakaharap ng kanilang komunidad.
Kaugnay nito ay inaanyayahan ni arsedon ang publiko na magtungo sa pacific mall lucena hanggang sa ika-16 ng nobyembre upang masaksihan ang iba’t-ibang larawan ng mga katutubong pilipino na nagpapakita ng iba’t-ibang sayaw, instrumento, kultura , tradisyon at pamumuhay ng mga ito.(Pio lucena/c.Zapanta)