Idinaos kamakailan ang Zumbook o Zumba Dance as book drive 2018 na ginanap sa sm City Lucena Parking Area. Ang naturang aktibidad ay inorgan...
Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng Librarians Association of Quezon Province-Lucena, Inc. sa pangunguna ng pangulo nito na si City Library Head Miled Ibias katuwang ang iba pang mga opisyales at miyembro ng asosasyon.
Tinatayang mahigit sa dalawang daang partisipante mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Quezon at ilang sektor tulad ng Lucena PNP, BJMP at DepEd ang nakiisa at nakilahok sa aktibidad.
Dito ay sama-samang nagsayaw ng zumba ang mga partisipante na pinamunuan ng mga zumba dance instructors na sina Zin Gimena at Coach Maggie Bermudez.
Nagsilibing registration fee ng mga partisipante dito ay mga babasahing aklat na kung saan ay inaasahang ipapamahagi sa mga maliliit na silid aklatan sa lungsod gayundin sa mga nagnanais na magtayo ng mga libraries.
Mahigit sa 600 na daang mga babasahing aklat ang nalikom ng samahan, ilang mga magazines at electronic resources tulad ng CDs.
Sa naging pahayag ni Ibias, makakatulong din aniya ang mga naturang educational materilas sa minimithi nilang pagtatayo ng mga municipal libraries at mga barangay reading centers sa Lucena.
Ang Zumbook 2018 ay isa lamang sa mga aktibidades na ginanap sa lungsod bilang pakikiisa sa ika dalawampu’t walong taon ng Library and Information Services at ika walumpo’t apat na taon ng selebrasyon ng National Book Week.(PIO-Lucena/M.A.Minor)