Nagtipon ang higit 3,000 na mga guro mula sa apat na distrito ng lalawigan para sa isinagawang 1st Quezon Province Private School Educato...
Nagtipon ang higit 3,000 na mga guro mula sa apat na distrito ng lalawigan para sa isinagawang 1st Quezon Province Private School Educators Convention na ginanap sa Quezon Convention Center nitong ika-11 ng Disyembre.
Dumalo sa pagtitipon sina Quezon Governor David C. Suarez, ALONA Partylist Representative Anna Marie Villaraza-Suarez at iba pang mga kawani ng pamahalaan. Naroon rin bilang panauhing tagapagsalita si DepED Region IV-A Regional Director Diosdado San Antonio.
Bilang direktor ng Kagawaran ng Edukasyon para sa CALABARZON Region, naniniwala si Dir. San Antonio sa pagkakaroon ng matibay na pagtutulungan sa pagitan ng mga institusyon mula sa pampubliko at pribadong paaralan.
Dahil dito, ibinalita niya na ang DepED Quezon ang itinanghal bilang pinakamahusay na school’s division office sa buong CALABARZON sa katatapos pa lamang na Gawad Patnugot 2018.
Kinilala ng direktor ang mga programang pang-edukasyon na sa kasalukuyan ay ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. David C. Suarez at sa suporta ni Congw. Anna Marie V. Suarez, House Minority Floor Leader Danilo Suarez at Congw. Aleta Suarez.
“Congratulations for staging this first ever convention of private schools. I know that if we continue to work together, and listen to each other, we’ll be able to find ways of collaborating in making sure that every youngster here in Quezon will become assets of the country. We dream of Filipinos who passionately love the Republic of the Philippines and only Filipinos who are lovers of the country will make our nation great again.” ayon kay Dir. San Antonio.
Sumang-ayon naman si Gob. Suarez sa mensahe ni Dir. San Antonio patungkol sa pagutulungan ng pribado at pampublikong institusyon sa lalawigan. Naniniwala ang gobernador na sa pamamagitan nito, masisiguro ng pamahalaang panlalawigan ang kabuuang kaunlaran ng mga mamamayan sa Quezon.
Inanunsyo rin ng gobernador ang panukalang ordinansa para sa taong 2019 na naglalayong makapagbigay ng taunang cash incentives para sa mga private school teachers tulad ng kasalukuyang ipinatutupad para sa mga public school teachers.
Ibinahagi rin ng ama ng lalawigan ang ilan sa mga proyekto at programa sa ilalim ng kanyang administrasyon na nakatuon sa kabuuang kaunlaran ng lalawigan tulad ng mga proyektong pang-edukasyon, pangkalusugan, imprastraktura at iba pa.
Isa sa mga ipinagmamalaking programa ni Gob. Suarez ay ang programang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K Program na limang taon nang ipinatutupad at kasalukuyang may higit 13,000 benepisyaryo sa buong lalawigan.
Kamakailan lamang ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang First 1,000 Days of Life Law na kaakibat ng Q1K Program sa pagbibigay suporta sa unang isang libong araw ng isang sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang ina.
Kabilang rin sa mga ibinahaging proyekto ni Gob. Suarez ay ang patuloy na pagpapakongkreto ng Polillo-Burdeos road, pagsasagawa ng Northren Quezon Auditorium sa Infanta, Quezon Sports Complex sa lungsod ng Tayabas, Tioang Convention Center, Gumaca Convention Center, Catanauan Southern Luzon State University Full Campus, ang kauna-unahang Coconut Research and Development Center sa CALABARZON na matatagpuan rin sa bayan ng Catanauan, at ang pag-uumpisa ng TR4 Project sa Quezon Province.
Inanunsyo rin ng gobernador ang pagkakaroon ng MRI sa tanggapan ng Quezon Medical Center na makapagbibigay ng malaking tulong sa serbisyo ng nasabing ospital.
Ayon kay Gob. Suarez, mahalaga ang pagkakaroon ng mga nasabing proyekto at programa para sa mga mamamayan ng Quezon hindi lamang sa kasalukuyan ngunit pati na rin sa hinaharap.
“Para po tayong mga magsasaka ngayon, we just planted the seed, and this seed that we planted in this teachers convention will eventually grow and will have its own leaves, will blossom into a wonderful tree and will bare fruits. Ganito natin pina-plano ang kaunlaran ng ating lalawigan. Hindi tayo nakatingin lang sa ngayon o sa nakalipas, mas binibigyan rin natin ng kahalagahan kung saan patungo ang ating lalawigan.” saad ni Gob. Suarez. (Quezon – PIO)