Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

26TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH CULMINATING ACTIVITY, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Bilang pakikiisa ng lungsod ng Lucena sa pagdiriwang ng 26th National Childrens Month, idinaos kamakailan ang culminating activity nito ...



Bilang pakikiisa ng lungsod ng Lucena sa pagdiriwang ng 26th National Childrens Month, idinaos kamakailan ang culminating activity nito sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ng Officer in Charge nito na si Malou Maralit.

Tinatayang mahigit sa tatlong libong mag-aaral mula sa iba’t ibang Child Development Centers sa lungsod ang nakiisa at nakilahok sa naturang aktibidad.

Buong suporta ring nakibahagi ang mga magulang ng mga kabataan sa pagsasakatuparan ng programa.

Nauna rito, nagsagawa ang mga partisipante ng Motorcade mula sa kahabaan ng Pacific Mall Lucena patungo sa Lucena City Government Complex kung saan ginanap ang aktibidad.

Sa pag uumpisa ng programa, pinangunahan ng mga piling mag aaral mula sa Magkabuklod at Isabang II Child Devt Centers, ang panalangin at pagkanta sa pambansang awit ng Pilipinas at himno ng lungsod ng Lucena.

Matapos ito ay nagbigay ng mga pampasiglang bilang ang mga mag aaral mula sa SAMKAL, Magkabukold at Welmanville Child Development Centers.

Nagpakitang gilas din ang ilan sa mga Child Development Workers at mga kawani ng tanggapan ng CSWD.

Nagbigay mensahe rin sa mga mamamayan ang ilan sa mga miyembro ng sangguniang panlungsod kabilang sina Konsehal Atty. Sunshine Abcede-Llaga na siyang Chairperson ng Committee on Social Welfare at Konsehal Vic Paulo.

Gayundin ang mga aspiring councillors na sina Engr. Jose Christian Ona, Amer Lacerna at Danny Faller.

Lubos namang ikinatuwa ng mga magulang at mga guro ang pagbibigay mensahe ng punong lungsod ng Bagong Lucena na si Mayor Dondon Alcala.

Bahagi rin ng aktibidad ay ang pagdaraos ng kompetisyon sa pagsayaw ng mga cultural dances tulad ng Cariñosa, Itik-itik, Pandanggo sa ilaw at subli na kung saan ay walong grupo ng mga piling mag aaral mula sa mga child development centers ng Barangay Mayao, Baranagy Dalahican at Baranagy 4 ang naging kalahok.

Gayundin ang mga kabataan mula sa Pagkakaisa, Kiwanis, Magkabukold, Greenhills Child Devt Centers at Barra National Child Devt Center.

Sa pagtatapos ng aktibidad, makikita ang katuwaan sa mga mukha ng lahat ng mga kabataan at kasiyahan lalo’t higit ng magperform ang ilan sa mga mascot ng mga naging sponsors ng isinagawang activity.

Ang naturang aktibidad ay patunay lamang ng buong porsyentong pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang mga programa para sa mga kabataang Lucenahin. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.