Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

5TH MEETING OF THE PRESS NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS LUCENA, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Bilang parte ng mas pinaigting na kampanya ng bangko sentral ng pilipinas  na  clean notes and coins policy, kamakailan ay matagumpay na i...


Bilang parte ng mas pinaigting na kampanya ng bangko sentral ng pilipinas  na  clean notes and coins policy, kamakailan ay matagumpay na isinagwa ang 5th meeting of the press na pinangunahan ni deputy director  edna aquino ng  bsp lucena branch.

Ayon kay aquino, sumula noong buwan ng hulyo, nagsasagawa na ang kanilang tanggapan ng iba’t-ibang pamamaraan upang maipalaganp ang nasabing polesiya at upang matulungan ang bsp na maipabatid sa publiko ang mga mahahahalagang impormasyon hinggil sa mga adbokasiya ng bsp at  new generation currency, inanyayahan ng bsp lucena ang mga media pratitioners sa lalawigan ng quezon at lungsod ng lucena.

Nabigyang linaw sa nasabing pagtitipon ang ilang mga katanungan  patungkol sa bagong perang inilabas ng bangsko sentral o kung tawagin ay new generation  coins mula sa dahilan ang paglalabas nito at mga detalye at feautures ng bawat barya.

Nabigyan rin ng  tamang impormasyon ang mga dumalo hinggil sa tamang pangangalaga ng salapi, mga pagkakataon kung  paaano marerekonginsa kung isang  unfit at mutilated na pera, at kung ano ang dapat na gawin at saan maaring dalhin.

Ayon sa bsp, sa ngayon ay  nakikipag-ungaynan na sila sa mga pawnshop at iba pang mga establishmento  upang tanggapin ang mga unfit na currency notes mula sa mga customers upang ang mga ito na lamang ang magdala at magdeposito sa bangko.

Nais rin ng bsp na ipabatid sa publiko na dalhin sa kanilang tanggapan, o sa kahit na anong bangko o police station ang mga pekeng pera nang sa gayon ay hindi na magcirculate pa.

Hindi rin nagpahuli ang mga media practitioners sa pagpapahayag ng kani-kanilang mga opinyon, saloobin at mga katanungan partikular na sa bagong mga baryang inilabas ng bsp na binigyang paliwanag naman ng mga kawani ng nasabing  tanggapan.

Umaasa ang bsp na sa tulong ng nasabing aktibidad, maippalaganap ng mga mamamahayag sa dyaryo, telebisyon at radyo  sa publiko ang  mga tinalakay na usapin. (pio lucena/c.zapanta)




Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.