Ang mga nagtapos na mga drug surrenderers sa programang SIPAG (Simula ng Pag-asa) saLucena city. (JOHN BELLO) ni John A. Bello LUCENA...
Ang mga nagtapos na mga drug surrenderers sa programang SIPAG (Simula ng Pag-asa) saLucena city. (JOHN BELLO) |
ni John A. Bello
LUCENA CITY – May 625 na mga dating drug user at pusher ang nagtapos sa ilalim ng programang SIPAG (Simula ng Pag-asa), sa pagtutulungan ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) ng city government, city police, DILG, DSWD at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ginanap ang simpleng programa ng pagtatapos sa panunumpa ng mga dating lulong sa ipinagbabawal na droga sa bagong city government complex noong Huwebes, Nob. 29, sa pangunguna nina Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala, police chief, Supt. Reydante Ariza, CADAC officer in charge Francia Britania Malabanan at iba pang kinatawan ng iba’t ibang ahensiyang may kaugnayan sa programang SIPAG.
Ayon kay Malabanan, ang SIPAG ay 12 weeks module at umaatend ng isang beses isang linggo ang mga drug surrenders, sumasailalim sila sa moral recovery program, physical fitness, skills training at yung mga di nakatapos ng pag-aaral ay may ALS o Alternative Learning System ng Department of Education para sa kanila.
Sinabi pa ni Malabanan na 57% na ng lahat ng drug surrenderers ng Lucena ay graduate na ng SIPAG.
“Continuous ang monitoring ng Barangay Anti-Drug Abuse Council sa kanila para tiyakin ang kanilang tuloy-tuloy na pagbabago at kailangan lang ang kanilang 101% na kooperasyon at suporta para matulungan sila ng programang SIPAG,” pahayag pa ni Malabanan sa isang ambush interview pagkatapos ng graduation program ng mga drug surrenders.
Noong Hulyo 2016 sa pagsisimula ng War on Drugs ng national government sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay umabot sa 4,000 ang sumukong mga drug users at peddlers sa Lucena. Naglunsad ang city government ni Mayor Alcala ng mga programa para imonitor at makapagbagong buhay ang mga dating lulong sa bawal na gamot.
Ang officer in charge ng Lucena City Anti-Drug Abuse Council na si Francia BritaniaMalabanan. (JOHN BELLO) |