Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Aids Day, isinagawa sa Barangay Marketview ang isang awareness seminar hinggil sa naturang usapin...
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Aids
Day, isinagawa sa Barangay Marketview ang isang awareness seminar hinggil sa
naturang usapin.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga mag- aaral
ng Alternative Learning System sa pangunguna ni ALS Coordinator Rodanilo
Tabordan at ilang mga mag-aaral mula sa Lucena East I Elementary School.
Naisakatuparan ang seminar sa tulong ng
pamunuan ng Barangay Marketview sa pangunguna ni Kapitan Edwin Napule at ni
Barangay Kagawad Janine Napule, Chairperson ng Commiteen on Health and
Sanitation, katuwang ang Sangguniang Kabataan, Ating Barkada Kontra Droga at
Kaisa Ka Kabataan.
Nagsilbing tagapagsalita naman dito ang Rural
Health Nurse ng Barangay Health Center na si Mart Mareden Fangon.
Dito ipinagbigay alam sa mga naging
partisipante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pangunahing impormasyon
hinggil sa aids virus.
Gayundin ay upang magsilbi itong kamapanya sa
pag-iwas laban sa lumalaganap na HIV Aids.
Sa huli ay inaasahan na mamutawi sa bawat isa
ang importansya ng pagkakaroon ng awareness sa mga nangyayari sa pamayanan.
(PIO-Lucena/M.A.Minor)