Sa wakas ay natuldukan na ang modus sa pagtutulak ng illegal na droga ng sinasabing isa sa mga bigtime pusher sa barangay sa lungsod ng Baco...
Ayon kay PSupt. Cabatingan nangyari ang nasabing operasyon sa Room 303 ng Solfacio Hotel, sa Barangay Zapote 1, Bacoor Cavite ng magsagawa ng buy bust operation ang kanyang grupo na nagresuleta sa pagkakahuli ng suspek na nakunan ng 9 na sachet ng shabu na may timbang na 137-82 grams na nagkakahalaga ng ₱937,176.00. Kasama sa nakuha ay isang (1) Cal. 45 pistol na may Serial Numer NBP06877, magazine na may 6 na bala, sachet ng marijuana na may timbang na .63 grams at may street value na ₱1,260.00 at ang ₱1,500.00 pesos na ginamit sa buy bust. Si Kamar Malawe ay itinuturing na biggest supplier ng shabu sa Brgy. Zapote 1, Brgy. Zapote 2, Brgy. Talaba 2 at Brgy. Talaba 7.
Ayon pa ay COP Vicente Cabatingan, ang pagkakahuli sa grupo nitong si Dimaampa ay malaki umano ang ibaba ng supply ng shabu sa nasabing mga barangay. Kilala din gun for hire itong si Kamar Malawe sa Marawi City at lumipat ito ng tirahan sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City ng magkaroon ng giyera sa nasabing lugar.
Samantala, kasama sa mga nadakip sa nasabing buy bust ay sina Irene Collado y Suyom, Vivencio Balatayo III y Estipona, April Joy Ramirez y Salmayor, Nida Sarif y Dimapao, at Acel Gulimlim y Aspa, 15 years old. With reports – Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ la liga Pilipinas.