Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga Barangay Health Workers ng lalawigan, nagtipon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dinaluhan ng higit 7,200 mga barangay health workers mula sa apat na distrito ang isinagawang BHW Provincial...



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dinaluhan ng higit 7,200 mga barangay health workers mula sa apat na distrito ang isinagawang BHW Provincial Convention nitong ika-18 ng Disyembre sa Quezon Convention Center.

Nagtungo sa pagtitipon sina Quezon Governor David C. Suarez, ALONA Partylist Representative Anna Marie V. Suarez, Former Congw. Aleta Suarez, ilang mga board member at mga pinuno ng tanggapan. Naroon rin bilang panauhing tagapagsalita si Former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Bilang mensahe, ipinahatid ni Acting Provincial Administrator Roberto Gajo ang pagtanggap sa mga dumalong BHW na itinuturing na bagong bayani ng Lalawigan ng Quezon. Aniya, malaking ambag ang naibigay ng mga BHW para sa patuloy na pag-unlad ng programang pangkalusugan sa lalawigan.

Kabilang sa mga patunay ng kaunlarang ito ay ang tuluyang pagpapababa ng malnutrition prevalence rate sa Quezon kung saan mula 17.92% noong 2009 ay bumaba ito sa 8.06% sa kasalukuyang taon.

Pinasalamatan niya ang mga BHW kasabay ng suporta ng iba pang mga tanggapan sa kanilang patuloy na pagtutulungan upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga kababayang Quezonian.

“Ibig sabihin noon, epektibo ang mga programang ginagawa ng ating mga BHW’s, BNS at sektor ng kalusugan sa lalawigan upang mapanatiling malusog ang ating mga kababayan. Kayo ay napakalaki ng papel na ginagampanan sa pagdadala ng serbisyong pangkalusugan sa mga kanayunan. Pagpapakita lamang ito ng inyong dedikasyon sa inyong tungkulin.” saad ni Gajo.

Ipinaabot naman ni Former PNP Chief Bato dela Rosa ang kanyang paghanga sa sakripisyong ginagawa ng mga BHW sa lalawigan. Aniya, maswerte ang Lalawigan ng Quezon sa pagkakaroon ng mga indibidwal na handang magbigay-pansin at panahon para sa mga kababayang higit na nangangailangan.

Nais ring hingin ni dela Rosa ang tulong ng mga BHW para sa pagpapa-igting ng adbokasiya ng pamahalaang nasyunal laban sa iligal na droga.

“It’s about time, walang ibang panahon kundi ngayon para magkaisa at sumuporta sa programa ng ating gobyerno na War on Drugs. Ang suportang hinihingi namin sa inyo ay bilang mga magulang, mga BHW, sana bantayan ninyo ang inyong mga pamilya, mga anak at mga kabataan sa barangay na hindi mapunta sa iligal na droga at hindi malulong sa iligal na droga. This is for the future of the Filipino youth.” pahayag ni dela Rosa.

Maliban sa sektor ng kalusugan, patuloy pa ring tinututukan ng pamahalaang panlalawigan ang mga programang pang-edukasyon, pang-agrikultura, pang-imprastraktura, at iba pa. (Quezon-PIO)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.